ADVICE

1.2K 46 0
                                    


[Luhan's POV]

Nakakainis naman!! Bakit pinakawalan ko pa si Yoona? Ngayon, may iba na siya.



Tapos dahil sa nainggit ako sa kaniya. Nasabi ko pa na Girlfriend ko si Tiffany.



Ano ba naman yan pumapasok sa utak ko? Di ko masabi sabi na MAHAL ko pa din siya.


Bwiset!! Ang sakit palang masaktan. Tapos harap-harapan kong nakita yung boyfriend ni Yoona.



Pinagsisihan ko na nga eh. Kung bakit ko pinakawalan si Yoona.




Kasama ko ngayon si Seohyun. Oo, siya. Kababata ko naman 'to. Siya din yung First Love ko. Pero wala na yun. Humihingi lang ng advice.



"Luhan!  Ang lalim ng iniisip mo." Sabi niya. Sabay tap sa likod ko.



"Si Yoona lang 'to." Sabi ko naman.




"Yoona? Oh, anong meron sa kanya?" Tanong niya naman. Tapos nakangiti. Aba!


"*sigh* Seohyun, mahal ko pa din si Yoona." Sabi ko. Tapos nag-straight body.



"Edi sabihin mo sa kanya na mahal mo pa din siya. I know na nagbago ka na." Sabi niya. Napaisip tuloy ako.



"Paano ko sasabihin? Kung may boyfriend na yung tao." Sabi ko. Sabay iling.




"So what?! Luhan, uhm. Gawin mo kausapin mo siya ng kayo lang dalawa. Tapos sabihin mo na sa kanya ang gusto mong sabihin." Sabi niya. Ang taas kasi ng pride ko.




"Kailan? Paano? Atsaka, di naman yun makikinig. Yung pride ko  nga lampas Eiffel Tower." Sabi ko naman. Aminado ako ng taas ng pride ko.



"Malapit na ang Reunion. Diba sa inyong residence? Malapit sa may beach. Doon, kailangan mo ng gumawa ng Moves mo." Sabi naman niya. Oo nga.


Nabigyan tuloy ako ng idea ni Seohyun.


"Paano kung kasama yung boyfriend niya?" Tanong ko. Wala akong lakas-loob noh?



"Tsk. Tsk. Wala na yung pakialam. Kung mahal mo talaga si Yoona, magpakatatag ka!"



Okay. Tama naman si Seohyun eh.


Syempre, gan'to talaga ang nararamdaman ng mga lalaki. Baka kasi ma-BUSTED!


Tss. Ako ma-bubusted?! Tungnu. Gwapong nilalang ata ito. Joke!


[Tiffany's POV]


Pinuntahan ko ngayon si Yoona sa kwarto niya. Gusto ko kasi siyang kausapin about sa nangyari.


Kumatok muna ako.

*knock knock*


"Pasok.." Sabi niya. Kaya pumasok ako.




"Yoona." Sabi ko.



"Tiffany." Sabi niya. Tapos naka-smile.


Hindi siya galit?!



"Pwede ba kitang kausapin?" Tanong ko sa kanya. Ooh.



"Oo naman." Parang ang awkward ata namin ngayon.




"Yoona." Tapos umupo ako sa kama niya. "Doon sa sinabi ni Luhan na Girlfriend niya ako. Wag mo yung paniwalaan."



"Ahh, ayun ba?? H-hindi naman ako naniniwala eh. Alam ko naman na si Sehun lang ang sayo. Atsaka, may Donghae na ako." Sabi niya. Tapos kinuha niya ang kamay ko.


Feeling ko iba ata siya ngayon. Hanggang ngayon naka-smile pa din.


Basta. Ayoko naman na mag-away kami pagdating ng Reunion.

Malapit na!!!


--------------------

SHORT UD.

Tamad si Author eh.


Reunion!!!! :)

Lapit ng matapos ang STORY na 'to. Aww.

Vote & Comment ^_____^

Mysterious Life of Yoona (Completed)Where stories live. Discover now