Tragiicc~

1.8K 75 5
                                    

[Yoona's POV]

*Ding-Dong*

Yawwwn! Ahh. Inaantok pa ako. Mamaya na lang kayo pumunta!

*Ding-Dong*

Kainis ahh. Sino ba yun?? Kitang may tulog pa na tao! Nasaan ba si Yuri??

*Vibrate* *Vibrate*

May nagtext sa cellphone ko. Kaya naman binasa ko yung message.

From: Baby Seohyun

Yoong! Dito na kami sa labas.

Nag-ayos na ako ng aking sarili at pumunta sa CR upang maghilamos at mag-toothbrush. Lumabas na  ko ng kwarto. Pero wala naman si Yuri. Hanggang ngayon di pa nauwi siya?? Or baka may pinuntahan lang.

Binuksan ko na ang pinto. At nadatnan ko sila na parang naiinip na kanina pa. HAHAHA.

"Hoy, Yoong! Kanina pa kami dito" Ahh. Ok, sorry di ko alam eh. Sabi ni Hyoyeon.

"Bakit ka ba ngayon lang nagising?" Sabi naman ni Fany. Ayy ganun?? Sorry nga di ba.

"Aisshh. Tigil na nga. Eh sorry kasi late ako umuwi kagabi." Sabi ko sa kanila at pinatuloy ko na sila sa dorm namin ni Yuri.

" Saan ka pumunta kagabi?" Tanong ni Taeng. Juskoo! Sasabihin ko ba sa kanila?? No. Ayoko nga.

"Taeng, may date siya kagabi." O______o Ohhh Fany! Patay ka sa akin ngayon. Oo nga pala. Tinext ko siya na may date kami ni Luhan.

"ANOOO???" Silang lahat.

"Hoy. Yoong! Sino naman yan ha?" Tanong ni Sooyoung. Ihh wala!!! :P

"Si Luhan" Sabi ulit ni Ppanyang!! Aah. Kainis na Fany yan ah. Eh kung sabihin ko kaya sa kanila na gusto niya si Sehun. Pero di naman sila eh.

"Eeh.. Enough na yan. Yoona, pakilala mo siya sa amin ha. Tskk. Btw, aalis na kami dito. Pupunta na kami sa Korea." So, tama nga talaga ang hinala ko? Iiwan na nila talaga ako mag-isa.

"Yoonaaaaa" Hah? Sinong sumigaw?? Well, humarap kami at nakita namin si Yuri na bagong gising pa lang. Wooh.. kala ko naman late na dumating.

"Yuri, ba't ngayon ka lang?" Sabi ni Taeng.

"Bagong gising ako eh." Sabi naman niya na inaantok pa.

"Haynako. Kayo talaga ni Yoona. Walang pinagkaiba." Sabi naman ni Jessica na cold na naman.

"Uhmm. Going back Yoona. Syempre, kailangan walang maiiwan na isang importante. Kasi ewan ko or something na mashoshock ka din. Pero may naka-discover na sa atin. But ikaw magaling ka sa pagsayaw, kanta at acting. Kaya kinukuha ka na nila." Sabi ni Taeng, ANOO??? SERIOUSLY?!! Nakuu. This is it! My dreams fulfill.

Kala ko pa naman ako lang yung maiiwan. Pero wait. Paano na si Luhan?? Edi iiwan ko siya. No! Hindi ito pwede.

"Pero paano na siya?" Sabi ko sa kanila. Ayokong magkahiwalay kami ni Luhan. Alam kong doon na kami titira. Pero paano na kami?

"Heeep. Yoona, di mo naman talaga siya part ng life mo eh. Or oo wrong ang sabi ko. Pero pwede naman kayo magka-LDR di ba?" Sabi ni Sunny. Huh? Ganun lang ba kadali ang LDR?? LONG DISTANCE RELATIPNSHIP??

"Yoona, sayang ang mga dreams mo. Kung siya lang ang pipiliin mo." Sabi ni Yul. Oo, alam ko yun. Pero mahirap sabihin na agad agad na lang ako aalis.

"E alam ko naman na matutupad lahat ng dreams ko. Pero parang di ko na kaya kung mawawala si Luhan sa akin." Bigla ko naman naramdaman na pumatak ang luha sa aking mga mata.

"Yoong..." Lumapit sa akin si Fany at pinunasan ang luha sa aking mata. "Okay lang yan. Alam mo pwede naman talaga na ganun ang relationship niyo. Pero sana naman isipin mo yung opportunity. Hayaan mo na muna siya ha. Please?"

"Ok, intindi ko. Pero siya hindi niya maiintindihan." Sabay tumakbo palabas ng dorm at pupunta ako sa dorm nila Luhan.

"Yoona~" sigaw nila sa akin sa labas.

Pero tuloy-tuloy pa din ang pagtula ng mga luha ko at papunta sa dorm ni Luhan. Ewan ko kung papayag siya. Pero sana maintindihan niya ang lahat.

Malapit lang naman ang dorm niya sa dorm ko. Mga 4-5 streets lang ang agwat. And now nandito na ako sa harapan ng pintuan. Natatakot akong kumatok. Ayokong makita ko siya masasaktan dahil sa akin.

*KNOCK KNOCK*

"Luhaaaan" Sabi ko at wala pa din tigil ang pagbagsak ng luha sa aking mga mata.

"Yoong??" Sabay niya naman binuksan ang pintuan. Niyakap ko siya agad.

"Bakit ka umiiyak??" Tanong niya sa akin at minamasmas niya ang aking likod.

"Luhan." Bumitaw ako sa pagkayap. "Luhan, sorry" Umiiyak na ako ng tuluyan. Kasi ayoko. Ayoko na wala ang relationship namin dal'wa.

"Huh?? Yoong, ano ba pinagsasabi mo?" Sabi niya sa akin. Pero no choice ako kasi nasa harapan ko na siya at kailangan ko ng sabihin sa kanya.

"Luhan, I'm so sorry. Kailangan ko ng pumunta sa Korea." Nakita ko naman siya na nagtaka. Ako naman umiiyak pa din sa harapan niya.

"Ano?? Iiwan mo lang ako?? Ano ka ba Yoona??" Huhu. Sorry talaga. Di ko alam kasi matagal na namin ito hinintay na makapunta sa Korea para maging Artist. At syempre ang family namin nandun.

"Hindi. Hindi. Luhan, kasi pwede naman tayo pa din kahit nasa ibang bansa ako. Or kung gusto mo sumama ka." T.T

"Ako?? Sasama sa Korea? Bobo ka ba Yoona??! Isipin mo nga yang mga pinagsasabi mo! Pwes hindi na ako nagtaka na ganan ka. Isa kang mang-iiwan. Di ba ikaw iniwan mo ang family mo sa Korea?" Wag niyang sabihin yan! Pero di na ako lumaban sa kanya.

"Luhan, kasi dream ko yun. Suportahan mo naman ako oh. Bakit ba kasi ayaw mo na lang sumama para magkasama tayo?" May pera naman kasi siya papunta doon eh.

"Hah! Yaan ba gusto mo? Oh sige, suportahan kita sa walang kwentang pangarap mo!! Mas pinili mo pa yan kaysa sa taong mahal mo. Sa taong totoo at tapat sayo palagi. Kasi nga pareho kayong magkabarkada di ba? MANLOLOKO!! Pareho kayo ni Seohyun." Ano?? Seohyun?? So, tama ako na naging sila. OMGG..

"Ano?? Naging kayo ni Seohyun??" Umiling ako sa kanya at tumakbo palayo sa kanya.

Naramdaman ko na lang na sumusunod na siya sa akin. Pero binilisan ko talaga ang pagtakbo ko. Ayoko na na makita siya na nagagalit at naiinis. Maraming taon na din ang pinagsamahan namin mula 3rd Year.

"Yoona, pag bumalik ka na dito sa Pilipinas. Wala ka ng babalikan. Tandaan mo yan!" Sigaw niya sa akin at ako naman napatigil. Humarap ako sa kanya at nakita ko na papalapit na siya sa akin. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako at may tumutulo na luha sa kaniyang mga mata.

"Yoona, wag mo 'kong iwan. Hindi ko kayang mawala ka. Mahal na mahal kita." Mahal din kita Luhan. Pero nag desisyon na ang puso ko na kailangan ko ng pumunta sa Korea.

"Luhan, di ko kaya. Bukas na ang flight namin." Bumitaw ako sa pagkakayakap niya. Pero masyado talaga siyang malakas. Kaya pinilit ko na bumitaw.

"Luhaaaan! Bitawan mo na ako!" Sigaw ko sa kanya. Pero di niya pa din ako binibitawan. Yun pinagsusuntok ko ang braso niya.

"Luhan, tumigil ka na. Ayoko na din. Sapat na sa akin ang ilang months or years na pinag-samahan natin. Maraming salamat sa lahat." Inalis niya na ang pagkayakap sa akin.

"Ganun ba? Yoong, basta tandaan mo yung sinabi ko sayo na wala ka ng babalikan." Oo na. Wag mo na akong pag mukhain na tanga!

Umalis na ako sa harapan niya. Nakita ko rin ang pagtayo niya mag-isa at lumuha.

-------

Oh no! LuYoon

Bakit mo isusuko si Luhan, Yoona?

Ouchhh....

Mysterious Life of Yoona (Completed)Where stories live. Discover now