Chapter 3

1K 22 4
                                    

A/N:

Sorry, isa lang muna. Magrereview lang ako para sa recit namin. Lol.



"YOU said you would be here 20 minutes ago! Hanggang ngayon, wala ka pa!"

Mitch cringed at the sound of Andy's voice. Nasa loob siya ng sasakyan at nakaharap sa laptop niya habang nasa labas ito at kausap ang kapatid.

She could only imagine being at the other end of the line, facing Andy's wrath.

"You overslept again, didn't you? At talagang ngayon pa na kasama ko ang kaibigan ko? Alam mo ba kung gaano kami kaagang bumiyahe? 'Tapos pagdating dito, hindi kami papapasukin kasi wala ka? Do you have any idea how that sucks?"

Nakita niyang pabalik balik sa paglalakad ang manager niya habang kausap ang kapatid. She would have laughed if it weren't for the irritation on Andy's face.

"I'm giving you five minutes to come and get us, Dean. Five minutes. Kapag wala ka pa rito, pagsisisihan mo ang hindi mo pagpunta agad."

Pilit niyang binura ang ngiti sa labi nang pumasok ng sasakyan ang kaibigan. Hindi siya kumibo habang nagpupuyos pa rin ito. She focused on writing her scene, kahit na hindi naman na niya ito maintindihan.

"'Wag mong pigilin ang tawa mo. Baka sa iba lumabas 'yan. Kulob pa naman itong sasakyan," sabi nito maya maya.

Hindi na nakapagpigil si Mitch. Napabunghalit na siya ng tawa habang nakatingin sa kaibigang hindi pa rin maipinta ang mukha.

"I'm glad you're finding my predicament entertaining," Andy said dryly. Mas lalo namang napatawa si Mitch kaya mas lalong nalukot ang mukha ng kaibigan.

"Andy, calm down. We're here for a vacation. Sa lahat naman ng magbabakasyon ay ikaw itong stressed na stressed."

"Because he was late!" Hinarap siya nito. "You know how I hate it when people come late. Buti sana kung makatarungan ang dahilan niya. Eh hindi naman. He just overslept!"

Mitch patted her friend's shoulder. "Relax, girl. Palagpasin mo na muna 'yan. We're here to enjoy, not to nag Dean."

Tumango na lamang ang kaibigan bago muling humalukipkip. She chuckled. She's pretty sure Andy is going to give Dean an earful once he arrives.

She went back on writing and became so immersed in it that she did not notice the sleek SLR McLaren that passed them.

"I TOLD YOU I'm sorry, didn't I? Sobra naman yang grudge mo, Ate. Ilang minuto lang kaya akong na-late," reklamo ni Dean habang kumakain sila sa Riders' Verandah.

Kasalukuyang pinipilit ng kaibigan niya ang kapatid na magbayad ng tanghalian nila dahil late ito kanina. Ayaw namang pumayag ng huli dahil nagpadagdag pa si Andy ng ibang pagkain for takeout.

Hindi siya nagkamali ng hinuha dahil hindi talaga pinalagpas ni Andy ang pagiging late ni Dean. On their way to the restaurant, hindi iilang beses na napangiwi si Dean dahil sa litanya ng kapatid.

Hindi siya nakikisali sa bangayan ng magkapatid. She finds its really amusing to see them bickering like dogs, but at the same time, see the tender care they have for their sibling.

"Ang kuripot mo naman. Magkano lang 'to, oh? Barya lang 'to kumpara sa kinikita mo. Saka para namang hindi ka makikihingi kapag kumakain na ulit kami mamaya," depensa ni Andy sa sarili.

Napakamot nalang ng ulo si Dean. Mitch smiled to herself, knowing Dean realized that he's not going to win against his sister. Marahan niyang ibinaba ang tasa ng tsaa saka sumubo ng cheesecake bago humalukipkip at pinanuod ang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SRC FF #2 - Gino Tordesillas - Heart ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon