Chapter 1

1.2K 21 2
                                    

A/N: Pasensya na kung matagal kayong naghintay. Sorry talaga! Heto na po ang panimula ang story ni Gino. 

Enjoy!




"WHAT in the world were you thinking, staying up all night?" pangunguwestiyon sa kanya ng kanyang kaibigan/manager na si Andrea. "Look at your eyes! Diyos ko! Mahihiya ang bangkay sayo!"

Mitchelle rolled her eyes and continued reading a book. "Andy, please. Para namang ngayon mo lang ako nakitang ganito. Stop acting like this will cost my life. Napuyat lang ako. Hindi nataningan ng buhay." Lumingon siya sa kaibigan. Napangiwi siya sa nakitang suot nito. "What the hell are you wearing?"

Hinampas siya nito ng dyaryo. "Don't pin this conversation on me. Ikaw ang pinag-uusapan dito. It may not cost your life but it will cost my job! Did you actually forget that you have a guesting at Ellen de Generes Show in approximately two hours? I can't let you go there and appear on TV looking like some corpse who starred in The Walking Dead or worse, look like Edward Cullen!"

Bigla ang naging pagtawa niya. "Did you just pull a Twilight reference on me? At bakit naman kasi ganyan ang suot mo? You look like a walking Christmas tree."

"Whatever. Wag mong pakialaman ang suot ko," ngiwi nito, sabay hawi sa buhok na puno ng makukulay na clips. "Point is, nagpuyat ka pa rin when you knew you have a guesting. Ano na lang sasabihin ng mga fans mo kung makikita nilang ganyan ang hitsura mo?"

"They will know that I stayed up all night writing another story for them. Libro ko ang gusto nila, hindi ang mukha ko."

Napabuntong hininga ang kaibigan. "Look, I know you don't care about your image, but I do. I'm your manager. Ayokong mapahiya ka sa madla. But more importantly, I'm your friend. Alam ko kapag balisa ka. Alam ko kapag may mali sayo. And I know that right now, you are bothered. Kung ayaw kong magmukha kang basahan sa TV, mas lalong ayoko na nakikitang nabobother ng isang bagay when I'm here. Pwede mo naman akong kausapin."

Mitchelle closed her book. Nilingon niya ang stylist na noon ay inaayos ang buhok niya para sa guesting. "Could you leave us for a minute, Hugo?"

Tumango lang ang stylist saka tahimik na umalis. Humarap siya sa kaibigan na noon ay nakaupo sa isa pang styling chair na nakaharap sa salamin. "I had a nightmare last night."

Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng kaibigan. "Is it about that again?"

She nodded. Muli siyang humarap sa salamin saka itukod ang siko sa make up table at tinutop ang mukha. "It's been 8 years, Andy. Hindi ko alam kung bakit makalipas ang walong taon, ngayon pa nangyari iyon. I haven't had a nightmare since the rehab. Hindi ko alam kung bakit bumalik ulit ngayon."

Lumapit si Andy sa kanya saka siya niyakap. "I'm sorry, Mitch. But maybe you're pushing yourself too much. These past few days, ni hindi ka na natutulog. Baka dahil sa pagod kaya bumabalik. Maybe you need a break."

"Maybe. Hindi ko rin alam. Siguro pagkatapos na lang ng book tour, tutal huling stop naman na. Saan ba ang huling stop ng tour?"

"Sa Pilipinas."

Marahas siyang napalingon dito. "Are you kidding me?"

Umiling ito saka malungkot na tumingin sa kanya. "I'm sorry. Pero matagal nang nakaplano iyon. Alam mo namang hindi ako ang nag-aayos ng book tours mo. The publication wants you to be there. I did everything to postpone it, pero 3 years na silang pending sa list ng tour stops mo."

"And you can't do anything to change it?"

"I'm sorry, no. Mataas ang demand ng mga readers mo doon. Siguro dahil na rin sa may dugo kang pinoy. Matagal na silang nagrerequest. Matagal na rin silang naghihintay sa'yo. I think it's about time we go back there."

Napabuntong hininga na lang siya. Of all places, sa Pilipinas pa. Ang lugar na minsan na niyang iniwan, at ipinangakong hindi na muli pang babalikan.

SHE WAS dead tired nang makarating siya sa condo unit niya. Ellen was really eager on the interview. Hindi naman niya ito masisi. It's her job after all.

Napagod rin siya sa kakapirma ng mga libro ng mga fans na matiyagang naghintay sa kanya sa labas. Though she hate being in the limelight, hindi naman niya iyon maiiwasan dahil na rin sa pinasok niyang career.

She loved being a writer. The ability to tell the stories in her mind was exhilarating. Naaabot ng mga libro niya ang mga lugar na pinapangarap niya. Naipapaabot niya ang mensahe niya sa pamamagitan nito. Her influence was given importance. Sa mga salita niya ay nakikinig ang maraming tao.

But it came with a great price. The fame took the privacy she valued. Naging mahirap para sa kanya ang panatilihing pribado ang buhay, lalo na ang kanyang nakaraan. Pero masyado niyang mahal ang pagsusulat para iwan ito ng ganun ganun lang.

Sabi nga, great things come with a great price. And if privacy is the price, it's a price she's willing to pay.

Mitchelle looked out of the window from her condo unit. Nasa penthouse suite siya. New York is as majestic as it was before. The concrete jungle. Then there's the Philippines. Nature at its best.

She sighed. Ayaw man niyang bumalik ng Pilipinas ay wala siyang magagawa. Trabaho lang. Although that place holds no more than painful memories for her, hindi niya maitatanggi namimiss na niya ang ingay at ganda ng Pilipinas. The beaches. The beauty. Hinding hindi iyon mapapantayan.

She's torn. Ayaw niya na gustong bumalik. Sa gitna ng pagkalito ay nagsimula siyang magpatugtog ng isang slow dance music.

Carefully, unhurriedly, she let herself drown in the beat of the music. She let every note flow in her body, and turn it into a dance.

Maingat siyang sumayaw sa gitna ng condo niya. It was her stress reliever bukod sa pagsusulat. It takes her mind off things.

It takes her mind off the things that should not even be remembered anymore.

SHE couldn't breathe. Parang biglang naging manipis ang hangin sa loob ng eroplano nang makalapag ito. Her breathing became rapid and shallow. Para siyang magkaka-asthma kahit na wala naman siyang history ng sakit na iyon.

While everyone stood up and immediately filed towards the exit of the airplane, she stayed in her seat. She knows there's no use in delaying the inevitable, but still, a few seconds won't kill.

She kept her head bowed down. Kanina ay may nagpapicture na sa kanya na mga fans. Although alam ng media na darating siya, as much as possible, gusto sana niyang makalabas ng airport ng maayos.

"Ma'am, are you okay? Do you need help with your luggage?" tanong sa kanya ng stewardess nang halos maubos na ang mga tao ngunit nakaupo pa rin siya.

Ngumiti lang siya. "No, it's okay. I can manage. Thank you." Saka siya nagdesisyon na tumayo na.

The blistering heat welcomed her the moment she stepped out of the plane. She kinda hate it and miss it at the same time. Dali dali niyang isinuot ang sunglasses saka pumasok sa arrival area.

Nakita niya ang mga media outlets pero hindi niya alam kung nakilala siya ng mga ito. Dire-diretso siya hanggang sa tuluyan na siyang makalabas. Doon ay nakita niyang naghihintay si Andrea. Nauna na ito sa kanya ng isang lingo para ayusin hindi lang ang mga guestings niya pati na rin ang kanyang much awaited vacation.

"Welcome back," bungad nito sa kanya.

"I won't stay long here."

"Weh? Magbabakasyon ka pa dito di ba?" biro ni Andy na malaki ang ngiti sa kanya.

Napahinto siya. Nakakapagduda ang ngiti nito. "Gaano katagal ang inayos mong bakasyon ko rito?"

"Two months!" excited pa nitong sabi.

Napahinto siya sa paglalakad. Tila hindi naman nito napansin ang gulat niyang reaksyon sa sinabi nito. Tuloy tuloy lang ito hanggang sa napansing hindi na siya kasunod.

"Mich?" kunot noo nitong tanong sa kanya.

"Dalawang buwan akong magstay dito?!" hindi makapaniwalang tanong niya rito.

Andy just smiled and peace signed.

SRC FF #2 - Gino Tordesillas - Heart ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon