Chapie 2

721 31 6
                                    

"San ka pupunta?" may humawak sa pulso ko at hindi ko alam kung sino yun


Dahan dahan akong humarap sa kanya at nakita kong kalmado ang kanyang itsura pero seryoso ang mga mata nya


"A-ah Hello" kinakabahan kong saad at kumaway pa ako. Kabaliwan ko! Nagawa ko pang kumaway sa kanya.


Nababaliw na ata talaga ako.


"Hello? May kasalanan ka pero nagawa mo pang mag Hello... I've been looking for you anywhere tapos nandito ka lang pala" Sabi nya, hindi ko alam pero bigla akong kinilig sa sinabi nya.. ewan ko ba, feeling ko may gusto sya sakin hihi!


Wag mong sabihing---


"I know what's on your mind.. Iniisip mo ba na kaya kita hinahanap ay may gusto ako sayo? .. why i should like you?? I will never like you Woman, it was because isa kang takaw gulo" napakunot ang noo ko.. ako? Takaw gulo? Ganun ba ko?


"A-ano! Hindi ako takaw gulo noh" pag tanggi ko sa sinabi nya.


"Kung ganon.. Bakit hindi ka pumunta? Hinihintay kita duon sa guidance" taas kilay nyang tanong at nilagay nya ang dalawa nyang kamay sa bulsa ng Uniform Jacket nya


Napakamot ako ng batok "ah eh kasi ano eh.. Uhmm" tumingin ako sakanya pero nananatili pa rin syang seryosong nakatingin sakin


"Tsk.. Pag pinapupunta ka pumunta ka.. Maliwanag? Hindi yung tatambay tambay ka dito .. You didn't come in the guidance so you have a 1 demerit.. It means Warning number one.. Pag pinapupunta ka, Pumunta ka.. Follow me!" at nauna syang lumakad


Psh


"Sungit" bulong ko at padabog na sinundan sya "B-bakit kelangan kasama pa ako?" Kinakabahan kong tanonh


"Nag tanong ka pa.. Alam mo kung bakit? (Harap sakin) Because you arr a victim kaya kelangan pumunta ka hindi yung tatakasan mo lang.. (Lakad uli) alam kong hindi mo pa alam kung bakit muntik ko nang mabali ang isa sa kamay ng isa sa apat na lalaki? Dahil naka 5 warning na sila.. Once your demerit becomes more.. Pahirap ng pahirap ang gagawin ko, gets mo?" Nakayuko lang ako habang sumusunod sakanya.. Wala akong naintindihan "tinatanong kita kung nagets mo? Tss Slow mo" agad akong napaangat ng ulo


"Oy sasabihin ko sayo hindi ako slow"


"Slow ka noh.. Nag loloading pa nga sa utak mo yung sinasabi ko eh"


Inaabangan kong Ngumiti manlang sya pero hindi.. Nanatiling blanko at may seryosong mata ang itsura nya .. baka sakaling bawiin nya pero lumipas ang 10 segundo wala syang binabawing salita.. haaay


"P-paano mo nalaman?"


"Because I see it in your eyes" hindi ko namalayang nag lalakad na ulit sya

Meet My SSG President (COMPLETE)Where stories live. Discover now