C25: You can't cheat Death

Start from the beginning
                                    

Nakahinga ako nang maluwag ng tumakbo palabas ng classroom si Denise. Tinanggal ko na sa pagkakatutok ang kutsilyo ko sa leeg ni Lilith at huminga muli nang malalim. Natigilan na lang ako nang biglang tumakbo palabas ng locker si Lilith hanggang sa nakalabas na siya ng classroom.

Nagngitngit ang mga ngipin ko sa inis. Nabigo na naman ako.

"Bullsht!" Napaupo ako habang ang dalawa kong kamay ay nasa magkabilang gilid ng ulo ko. Hindi matutuwa sa akin si Yuko kapag nagtuloy-tuloy ang kamalasan. Dapat patay na ang Lilith na yan. Dapat walang makakaalam ng plano ko.

Uubusin ko silang lahat ... ang buong Class 3-C. Matatagpuan na lamang sila ng mga magulang nila na duguan at wala ng buhay. Katulad ng nanyari kay Yuko. Lahat ng pagkakasala ay may kabayaran at nalalapit na ang oras na yon para sa kanila. Magtatagumpay ako at kapag nagkita na kami ni Yuko, masasabi niya na natutuwa siya sa mga ginagawa ko. Mas mamahalin niya ako. Tama, gusto niya ang lahat ng ito.

"Diba ... Yuko?" Tumingin ako di kalayuan at nakita ko si Yuko na nakaupo sa nag-iisang silya na nakatayo. Hawak niya ang mga libro na palagi niyang dala dala kapag nagka-klase. Pupunta sana ako sa kinauupuan niya ngunit unti unti siyang naglalaho. Sinubukan kong abutin ang kamay niya pero bago ko ito maabot ay naglaho ito na parang usok.

Nakaramdam na naman ako ng bigat sa dibdib ko. Kinuha ko ang kutsilyo at binulsa. Kailangan ko nang magplano. Kailangan kong patayin ang mga batang iyan bago pa nila ako unahan. Sila ang salot sa buhay ko ... sa buhay namin ni Yuko.

Inabot ko ang bag ko sa may teacher's table at inayos muna ang suot kong uniform bago umalis. Sinigurado ko na maaliwalas ang mukha ko bago ako tumapak papalabas. Binati ako ng ilang estudyante pagkalabas ko. Nginitian ko lang sila.

Mga ignorante ... isasama ko rin kayo.

Tuloy-tuloy ako kung san naka-park ang kotse ko.

May kakaiba sa loob ng kotse ... para bang hindi ako nag-iisa. Ngunit di ko pinansin ang bagay na yon at pinaandar na ang kotse papunta sa apartment. Walang pumapasok sa isip ko kundi kung paano ko sila papatayin. Kung paano sila mahihirapan. 

Pinarada ko sa harap ng apartment ang kotse. Lumabas na ko at di ko namalayan na may lumitaw sa likod ko na isang lalaki. Napaharap pa ko sa kanya kaya nakita ko ang mukha niya. Agad naman siyang nagsuot ng sumbrero at tinakpan niya ang bibig ko ng isang panyo na may kakaibang amoy... amoy na... nagpapahina sa katawan ko... hindi na ko makagalaw parang may pumipigil sa katawan ko.

"Yuko? Anong nangyayari diyan?" Pababa ako ng hagdanan nang may narinig akong sigawan mula sa sala. Boses ni Yuko at boses ng isang lalaki? Natanaw ko silang dalawa sa di kalayuan. Bata pa ang lalaki. Mukhang galit na galit siya kay Yuko. Nakita ko namang umiiyak si Yuko sa harap niya.

"Yuko!"

Napatingin sila sa akin ngunit bago pa ko makapunta sa kanila ay may naramdaman akong pumalo sa likod ko. Ang huli ko lang nakita ay si Yuko na tumatakbo papunta sa akin at ang pagbunot ng kutsilyo ng tao na nasa likod niya.

Nang binuksan ko ang mga mata ko ay nakita ko na lang ang sarili ko sa banyo. Nakatali ang dalawa kong kamay at paa gamit ng duct tape. May nakataling puting panyo sa bibig ko. Kita ko kung pano nila saksakin si Yuko hanggang sa naglaglag ang katawan ni Yuko sa bathtub. Hinubad ng isa ang damit niya Yuko at itinapon.

"Tara na." Inabot ng isa ang kamay ng lalaki ngunit hindi ito kinuha ng lalaki. "Mauna ka na, tatapusin ko lang to." Sabi niya habang nakatitig sa nakahandusay na katawan ni Yuko sa bathtub. Wala akong magawa, nanghihina pa rin ang katawan ko. Pinapatay na sa harap ko ang pinakamamahal ko... napakahina ko. Wala akong kwenta.Yuko ... patawarin mo ako..

Class 3-C Has A Secret | completedWhere stories live. Discover now