🐺Chapter 3🐺

Start from the beginning
                                    

Ng matapos mag paliwanag si Jenna ay nag punta ako sa likod ng puno at don nag palit pagkatapos ay dahan-dahan naming tinahak ang kagubatan, ilang minuto na rin kaming nag lalakad ay wala pa kaming nakaka salubong.

Huminto saglit si Jenna at inamoy ang paligid. Matalas ang pang amoy ni Jenna kahit pa nasa malayo ay naamoy niya. Naisip ko tuloy na baka ang pamilyang pinanggalingan niya ay mga tracker, dahil sa husay ng pang amoy niya. Ng huminto siya ay agad niya akong hinatak patungo sa kanang bahagi ng kagubatan.

''Nandito si Joshua sa bahagi ng gubat na ito'' sinundan ko lamang si Jenna hanggang sa huminto ito.

''Akyatin mo ang punong ito'' tukoy niya sa punong nasa tapat ko.

''Ito kunin mo'' ini abot niya sa akin ang syringe saka ako hinawakan sa balikat.

''Susubukan kong dalhin sa bahaging to si Joshua, at sa oras na tumigil kami dito sa tapat ng puno na ito kailangan mong tumalon at dapat eksakto mong maiturok sa leeg niya ito para mas madali ang epekto at hindi na siya makapag padala ng mensahe sa mga kasamahan niya.'' tumango ako saka akmang aakyat ng puno ng bigla akong yakapin ni Jenna.

''Kailangan maging maayos ang lahat Ria dito naka salalay ang buhay at kalayaan natin, at isa pang paalala kung sakaling ikaw lang ang makatakas paki usap-'' pinutol ko ang sasabihin niya dahil ayokong ako lang ang makatakas

''Hindi ako makakapayag na ako lang ang tatakas, dapat dalawa tayo Jenna'' mangiyak-ngiyak kong sabi umiling ito saka ngumiti.

''Gusto ko rin naman na mag kasama tayong makaka takas kaya lang gusto lang kita ihanda sa ganoong sitwasyon. Kailangan ay isa man lang sa atin ay maka takas dahil kung hindi masasayang ang lahat ng ito, pero pipilitin kong dalawa tayong tatakas ok?'' mabilis kong pinahid ang aking mga luha na kusang umagos.

''Basta ang paalala ko sayo, kahit saan mapadpad ka na wag lang sa Black Wolf pack'' pag ka dinig ko pa lamang ay kinilabutan na ako kahit na sino ay nakikilala si Jacob ang Alpha ng pinaka malupit na pack na iyon at ang matinding galit nito sa mga Rogue.

''Kahit papaano sa iba ay maaaring ikulong ka lang nila pero kung sa Alpha na yon ka mapadpad...'' napalunok ng wala sa oras si Jenna kaya naman mas lalong nag tayuan ang balahibo ko.

'' basta iwasan mo ang alpha na 'yon kahit sobrang gwapo pa raw niya tandaan mo Ria, mag iingat ka''

''Naiintindihan ko, mag iingat ka rin Jenna'' pag ka tango ni Jenna ay lumakad na ito paalis upang puntahan si Joshua, ako naman ay mabilis na inakyat ang malaking puno.

Paki ramdam ko ay ilang oras na akong nag aabang mula sa puno na ito pero ang totoo ay minuto pa lang ang lumipas mula ng umalis si Jenna. Kahit malamig ang simoy ng panggabing hangin ay pinag papawisan pa rin ako dala na rin ng mag kahalong nerbyos at excitement.

Kinkabahan ako sa mang yayari, paano kung pumalpak kami? ano na lang ang gagawin sa amin ni Zeus?

Ipinilig ko ang aking ulo, hindi ito ang oras para mag isip ako ng mga negatibong bagay. Ipinag dasal ko na lang na sana ay umayon sa amin ni Jenna ang gabi na ito.

Maya-maya ay natatanaw ko na si Jenna kasama si Joshua at ang nakaka bigla ay ang mag ka hawak nilang mga kamay.

Kung hindi lang sa sitwasyon ay matatawa ako sa itsura ni Jenna hindi mo malaman kung naka ngiti ba 'to o naka ngiwi.

Tumingin siya ng bahagya sa kinaroroonan ko at muling ibinalik ang paningin kay Jacob na tila ba isang diwata si Jenna kung titigan.

Nang tumapat sila sa ilalim ng puno ay pinilit kong wag lumikha ng anumang ingay kung maaari nga lang maging ang pag hinga ay wag ko ng gawin.

My Mate is A Rogue (Completed)Where stories live. Discover now