Chapter 7: unexpected

13 0 0
                                    


>>>

Chapter 7 : Unexpected

Someone's P.O.V

Nakita ko si Kim na papaalis na ng school kaya naman agad ko siyang sinundan. May kasama siya pero hindi ko nakita kung sino o ano yung itsura, pareho kasi silang nakasuot ng helmet pero alam kong isa dun si Kim.

Mamaya ko nalang tatawagan  yung driver ko, mamaya na ko magpapasundo sa kanya, baka kasi pag sinama ko pa yun eh isumbong lang ako kina daddy.

Pumara nalang ako ng taxi. Mabuti nalang may dumaan agad.  Sumakay na ko.

"Manong sundan po natin yun" sabi ko kay manong taxi driver sabay turo doon sa mga papalayong mga motor.

"Sige po ma'am"

Habang nasa byahe nakatutok lang ang  mga mata ko sa dalawang motor na nasa harapan namin, medyo malayo sila saamin kasi ang bibilis nila magpatakbo.

Hindi ako mapakali. Tama ba 'tong gagawin ko?  .

"Manong, pakibilisan po ng kaunti" pakiusap ko kay manong, nag-aalala ako baka hindi namin sila maabutan, baka di ko makausap si Kim.

"Ay pasensya na po ma'am baka lumagpas po tayo sa speed limit"

Nanlumo akong napasandal sa may backrest. Nakikita ko pa rin naman sila pero medyo nakakalayo na sila saamin.
.
.
.
.
.
Ilang minuto pa namin silang sinundan hanggang sa lumiko na sila sa isang eskinita.

Nagulat ako ng bigla na lamang ihininto ni manong driver yung taxi sa tabi.

"Manong bakit ka po huminto?  Eh andoon na po sila oh" takang-tanong ko kay Manong habang tinuturo yung eskinitang pinaglikuan nung dalawang motor na sinusundan namin, kasya naman yung kotse /taxi eh, kaya nagtataka ako kung bakit hindi kami pumasok?.

"A-ay Ma'am hanggang d-dito lang po ako hindi na po ako pwedeng pumasok dyan" sagot ni manong, at napansin ko lang medyo nanginginig siya habang panay sulyap sa labas.

"Eh??  Manong Naman, ibig mo pong sabihin mula dito eh paglalakarin mo ko? Sige na manong dodoblehin ko yung bayad ko"pagmamakaawa ko sa kanya.

"P-pasensya na po talaga ma'am,k-kahit wag niyo na ako po bayaran " final na sabi niya kaya naman wala na kong nagawa kundi bumaba, binayaran ko pa rin naman siya kahit sinabi niya kaninang wag na siyang bayaran.

Nakita kong nagmadaling umalis si Manong driver pagkababa na pagkababa ko.

Problema nun ni manong?

Kahit medyo natatakot ako eh pinili ko pa rin silang sundan. Gusto ko sila makausap.

>>>

My Gangster GirlWhere stories live. Discover now