Chapter 6:annoying

18 0 0
                                    

(A/n:tingin po kayo sa taas makikita niyo si Kim ❤)

>>>>

Chapter 6 :annoying

Kim's P.O.V

Kararating ko lang ng school kaya ipinapark ko pa lamang ang motor ko sa may parking lot .

Pagkatapos kong i-park ang motor ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko.

Chineck ko yung oras sa phone ko at nakita kong maaga pa pala.Saan kaya pwedeng tumambay? I know Ash is not here pa, i knew her since we were kids kaya alam kong ayaw na ayaw niya pumupunta ng sobrang aga sa school, mas prefer niya minsan yung grand entrance tapos minsan naman early exit kaya ayun palagi tuloy napapagalitan haha. Bihira lang yan pumasok nang maaga.

Pero pinag-iisipan ko kung itetext ko ba siya to inform her na nandito na ako para magmadali na din siya o hindi nalang kaya? Baka kasi kakagising lang nun at ayoko ma-badtrip yun ngayon, umabsent na nga kami nung isang araw at kahapon para palamigin yung ulo niya at para na rin itago yung galos at pamumula nung kamao namin

Pero mas malala yung kamay niya. Pagkatapos kasi nung nangyaring gang war between our group and Madi's group eh dumiretso kami ng hideout para magpahinga at gamutin yung galos nung iba.

Pinagsusuntok ni Ash yung pader kaya ayun nagkasugat-sugat yung kamay niya, nasobrahan na nga sa kakasuntok niya kay Madisson nung isang araw pati pader pinagdiskitahan.

Ang sabi niya kasi nakulangan pa daw siya sa suntok niya kay Madi. Nakakapikon daw kasi yung kayabangan eh wala naman daw pala binatbat.

After ko ibalik yung phone sa bulsa nung skirt ko ay nagsimula na kong maglakad papunta sa building.

Hmm puntahan ko nalang kaya si Yumi? Baka andito na yun? Pero di ko kasi napansin kanina kung nandun na ba yung motor niya sa parking lot o wala pa kaya di ako sure kung andito na nga siya.

Hay bahala na..

Nasa second floor yung room ni Yumi, masyadong malaki 'tong school kaya mahihirapan ka talagang maglakad .

Umakyat ako ng hagdan at pagdating ko doon napansin kong wala pang mga tao . Bababa na sana ako nang may bigla akong narinig na ingay.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa direksyon nung ingay na narinig ko.

Nagmumula yun sa pinakadulong classroom doon sa second floor.

Sumilip ako at may nakita akong tatlong babae sa loob. Hawak nung dalawang babae yung wrist nung babaeng nakasalamin at nakitang kong nagpupumiglas ito .

"Hindi mo ba talaga ibibigay yang notebook mo? " sabi nung isa habang marahas na hinihigit yung babae.

"Hindi! Nakakasawa na kayo! Gumawa kayo ng sarili niyong homework hindi yung nangongopya pa kayo lagi! " narinig kong sigaw nung babaeng nakasalamin habang yakap-yakap sa isang braso niya yung notebook. Halatang natatakot siya sa mga babaeng kaharap pero nagagawa niya pa ring sagutin ang mga 'to.

"Aba matapang ka na ah! Hoy hindi porket kaibigan ka ng Papa Yuan namin eh it doesn't mean magiging mabait na din kami sa'yo no! " asik naman nung isa habang dinuduro siya.

"Oo nga.. Who do you think you are ba? At pwede ba wag kang mayabang dahil we all knew naman na naaawa lang naman sayo ang papa Yuan namin! Ang mga katulad dapat namin ang sinasamahan niya at hindi ang mga kagaya mo! Right sis?"maarteng Tanong naman nung isa sa kasama niya,yung kaninang humihigit sa babae. Sumang-ayon naman yung babaeng nanduro kanina.

My Gangster GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora