Chapter 3:Classmates

15 0 0
                                    

Chapter 3 :Classmates

Ethan's P.O.V

"Anak ng--- hindi pa rin talaga kayo nag-babago ano?? Miss Alcantara at Miss Tuazon?? " narinig kong tanong ni Sir Aladin doon sa dalawang bagong pasok.

Bakas sa tono nito ang panenermon at pagiging sarkastiko.

Napaangat naman ang tingin ko upang tingnan ang tinutukoy niya at ganon nalang nanlaki bigla ang mga mata ko sa nakita.

T-teka----

Ano 'tong nakikita ko?

Pinaglalaruan lang ba ko ng imahinasyon ko?

Hindi lang ba ko namamalikmata?

Totoo ba talaga 'tong nakikita ko?

Nasa harapan ko sila ngayon?

Sila talaga?!

At k-kaklase ko pa??.

" jusmaryosep !kahit kelan talaga kayong dalawa oh oh! Kasasabi ko lang kanina na ayoko ng mga nale-late eh tsk!  --- " sabi nito sabay humalukipkip"At buti naman naisipan ninyong pumasok sa first day of school? Aba Baka naman sa umpisa lang yan ha?  at aabsent na naman kayo tulad ng ginagawa ninyo nung mga nakaraang taon ,papasok lang kung kelan ninyo gusto?! Aba usapan lagi yan sa faculty room! Oh hala Sige na !doon na kayo sa likod!  " singhal naman nito sa dalawa at aambanan sana ng palo pero nakailag ang mga ito.

"At least pumapasok pa rin sir! " nakangiting pamimilosopo naman nung may dimple. "--- at nakakapasa haha"

"Anak ng--- sumasagot ka pa Tuazon ha!  Hala dali na maupo na kayo doon sa likod naaabala ninyo ang klase ko! "

At gaya ng nakagawian nila nginitian at tinitigan lang nila si Sir Aladin. Napakamot nalang ng ulo niya si sir dahil sa kunsumisyon sa dalawa.

At walang sali-salitang naglakad yung dalawa papunta sa--- DIREKSYON NAMIN..

S-sa direksyon namin!  O_O

*Dugdug dugdug *

Bagama't hindi nila batid ang presensya ko dahil nakatuon lang sa iisang direksyon yung tingin nila ay Kinabahan pa rin ako.

Oo natutuwa ako dahil nagkita ulit kami pero meron dito sa loob ko na kinakabahan.

My Gangster GirlWhere stories live. Discover now