"Okay lang yun at least may communication tayo di ba?"
"Yah tama na nga yan! Aish!!" Pagkatapos ay dumiretso na ako sa upuan ko.
Nasundan naman ng tawanan ang pagsuway ko sa dalawa.
Nagulat naman ako ng biglang maramdaman ang mausisang presensya ni Jasmine sa katabi kong upuan.
"So sino yun? Sino yun? Ayieee. Si Nathan mo na ba yun?" Ewan ko kung nagtatanong ba siya o nanunukso lang.
"Ayieee. Tama ako no?" Tukso niya habang tinutusok tusok ang tagiliran ko. Hindi ko na alam kung gaano na kapula ang pisnge ko dahil sa mga pinaggagawa niya.
"EWAN! DI KO ALAM!" Pagkatapos ay umubo na ako sa armchair ko .
"Hahaha! Ang cute kiligin ni Jenny!" Rinig Kong sambit NI Cheryl di kalayuan sa pwesto ko.
Mas isinubsob ko nalang ang mukha ko sa armchair ko. Bahala na sila dyan.
--
Maaga kaming dinismiss for lunch ni Mrs. Ferlin ngayon
kayat heto ang room nagmimustula na namang palengke. Sarado pa kasi ang gate ng paaralan, 10 o'clock pa din naman kasi kaya halos lahat ng classmates ko eh nakatambay na muna sa room. Yung iba nanonood ng movie sa laptop ni Isla, yung iba naman nag ja-jamming sa may gilid, at yung mga kpopper ko naman na mga classmates eh sumasayaw sa gitna, at yung iba specifically sina Sofia at Nico ay nag babangayan na naman. Hays ewan lang talaga. Si Jasmine naman ay mag isang tumatawa habang nakatitig sa screen ng phone niya, nanonood na naman siguro to ng we got married. Ako? Eto, naka upo, namamawis ang kamay, at kinakabahan. Ewan ko ba kung bakit. Dahil ba ito sa lunch namin mamaya ni Nathan?
Hays. Mukhang dahil nga ata dun.
Eh kasi naman first time to no.
"Jas,peram ng suklay." Pero mukhang di niya ata narinig ang sinabi ko kayat kinalabit ko na lamang siya."Jas!Peram ng suklay ba!"
Lumingon lang siya ng konti saka tumango at ipinagpatuloy ang ginagawa nya kanina.
Kinuha ko ang shoulder bag nya at hinanap ang pouch na lalagyan nya ng mga ka echusan sa katawan. Malaki ang suklay nya kaya ay madali ko lang itong nahanap. Kinuha ko ito saka nagpalingon lingon sa paligid.
Kumorba ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko ang hinahanap ko.
"Ash!" tawag ko sa kanya pero mukhang abala ata siya sa pocketbook na binabasa niya kaya ay inulit ko nalang ang pagtawag sa kanya. "PST. Ash!"
Nagtagumpay naman ako sa pangdidisturbo sa kanya dahil nakita Kong umangat ang tingin niya sa direksyon ko.
Medyo napakunot ang noo nya pagkasabi nya ng "huh?"
"Braid mo naman ang buhok ko pleaseee." Pag papaawa kong sabi sa kanya.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
IT STARTED WITH A TEXT
Любовные романыTitle: It started with a text Author: sip123 Link: https://www.wattpad.com/story/35124941-it-started-with-a-text Prologue: I never knew love. I didn't experience to have a special someone either. Well, except for my family and friends of course. And...
CHAPTER 20
Начните с самого начала
