Joseph's P.O.V
Panay parin ang tawa ni Nathan habang nag dri-drive ako sa kotse ko .
"Di ka na titigil nyan?"
"Eh kasi dude ang epek ng mukha mo kanina! Teka. Sino ba ang chick na yun?"
"Classmate ko yun."
"Ows! Ang hot niya, 9 siya sa akin."
Nakatanggap siya ng isang malutong na sapak mula sa akin.
"Aray ano ba?"
"Loko ka eh. Huwag mo ngang idamay si Isla sa kalukuhan mo."
"Ah. So Isla pala ang pangalan nong chick na naghatid ng sopas kanina. Haha. Jowa mo ba yun?"
Tss. Kung anong pinag tatanong.
Isinalampak ko na lang ang headset sa tenga ko at pinalakasan ang volume ng music ng phone ko.
Nakita ko siyang ngumingiti na may sinasabing kung ano. Tss. Bahala siya dyan.
Pagka park ko ng sasakyan sa parking lot ng school eh bumaba agad ako. Di ko na tinignan si Nathan. Bahala siya dyan. Ikinabit ko ang backpack sa likod ko at isinilid ang phone at susi ko sa aking kanang bulsa habang nakasalampak parin sa aking tenga ang headset ko kahit na hindi ko na pinlay ang music player ko. Wala lang, pamporma.
'Aisshh!!'
Langya!
Nasapol ang kaliwang paa ko sa may putikan. Tss. Badtrip! Natalsikan pa tuloy ang slocks ko! Aish!
"Whokaaa! Ang aga ng Karma papa Joseph! Di ka daw kasi gentleman sa akin!" Pangising sambit ni Nathan. Tinignan ko lang siya ng masama.
Tss. Kung bakit ba kasi maputik tong parking lot ng school namin. Tss.Kung sabagay, pathway nga ay di matapos tapos dahil kulang sa budget, magarang parking area pa kaya?
Naghanap ako ng maipapahid sa sapatos ko. Sakto namang nakakita ako ng wrapper ng junkfood.
"Ang cheap naman kasi nitong parking lot nyo dude. Try nyo kayang ipa semento to ng di magmukhang tag ulan araw-araw."
"Try mo kayang mag donate ng may magamit kaming pang pa semento ng parking lot namin. Tss" ibinato ko sa kanya ang wrapper na ipinampahid ko sa putik na dumikit sa sapatos ko.
"Hoy! Ano ba yan! Manners dude! Manners!"
"Ituro mo yang manners mo kay tanda! Ulol!" At nagsimula na akong maglakad papunta sa room ko. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.
YOU ARE READING
IT STARTED WITH A TEXT
RomanceTitle: It started with a text Author: sip123 Link: https://www.wattpad.com/story/35124941-it-started-with-a-text Prologue: I never knew love. I didn't experience to have a special someone either. Well, except for my family and friends of course. And...
