Jenny
Kay agang-aga pero nangingilid na ang pawis sa noo ko. Hindi dahil sa napagod ako kundi dahil sa kabang dulot ng katabi ko ngayon. Ewan, malayo naman ang distansya namin ngayon pero sapat na ang presensya niya upang magpanginig sa tuhod ko at magpakabog sa puso ko nang ganito ka bilis. UNEXPECTED. Ganyan ko mailalarawan ang pagkikita namin ni Nathan. Ganito pala ang feeling, yung parang ang daldal nyo sa text pero pag nagkita na eh kahit "ah" ay mahirap bigkasin.
"Naiilang ka ba sa akin?"
Di ko inaasahan ang pagsasalita niya na siyang nagpatindi sa pagkabog ng dibdib ko! Parang gusto ko na atang tumakbo papunta kina Isla na naunang maglakad sa aming dalawa!
"Ah Sa totoo lang. Haha. Oo. Di kasi ako sanay."nahihiya kong sagot sa tanong niya. Tae. Ang o.a nang boses ko! Pwe!
"Hmm. Pwes masanay ka na,."
"Huh?"
"Sabi ko, dapat sanayin mo na ang sarili mo kasi simula ngayon ,araw-araw mo nang makikita ang ka gwapuhan ko"
Bahagya akong napatawa dahil sa sinabi niya.
"Haha. Sira."
"Uy ngumingiti na siya. "
"Luh loko."
"Ganyan dapat. Mas gumaganda ka kapag ngumingiti."
"Alam mo mapa text or sa personal napaka bolero mo!"
"Hala bolero pala ako sa text?"pamangha niya kunwaring tanong.
"Aba nag tanong ka pa!"
At nasundan yun nang pareho naming pagtawa.
"Aherm."
Napatingin kami pareho kay Joseph .
"Dyan lang ang room mo."
Kalmado niyang saad kay Nathan habang tinuturo ang pinto ng room malapit sa kinatatayuan namin.
"Alam ko. Haha"
"Oh di pumasok ka na."
"Maya na hatid ko lang si Jenny."
"Bahala ka." Sabay alis kasunod si Isla.
"Anyare dun?"
"P.M.S"
"Seryoso? Haha."
"Pinaglihi ni Tita sa napkin yun eh,"
" Luh sira!" At nagtawanan lang kami hanggang sa makaabot kami sa room namin. Di naman malayo yung room namin sa room nila, isang room lang ang pagitan.
"Ge salamat."
"So pano? Text nalang kita"Bigla namang nabuhayan ang kokote ko sa sinabi nya. Hays,yung phone ko pa pala! Malas.
YOU ARE READING
IT STARTED WITH A TEXT
RomanceTitle: It started with a text Author: sip123 Link: https://www.wattpad.com/story/35124941-it-started-with-a-text Prologue: I never knew love. I didn't experience to have a special someone either. Well, except for my family and friends of course. And...
