Joseph's P.O.V
Lagpas alas dos na ng madaling araw pero hindi ko pa rin makuhang makatulog. Panay lang ang titig ko sa kisame ng aking kwarto.
Pagkatapos kasi naming mag usap ni Nathan kanina para maipaliwag sa kanya ang kalokohang nagawa ko eh marami nang bagay ang pumasok sa isip ko. Lokong Nathan kasi yun! Argh! Andaming sinabi na nakapagpagulo sa utak ko!
>f l a s h b a c k >
"Eh loko ka pala tol eh! Sa dinami daming pangalan na pwede mong gamitin, Ba't akin pa?"
"Hindi ko naman alam na magkakaganito. Kung di ka lang sana nag transfer edi sana wala akong problema!"
"Ah so kasalanan ko pa ngayon eh ako tong dinadamay mo sa katorpehan mo!"
"A-Anong katorpehan? Loko! Wala akong gusto dun no! N-napag tripan ko lang yun." Sabi ko sabay kuha ng tubig sa ref at ininom ito.
" Bahala ka. Mabuti kung ganun. Well, ipagdasal mo nalang talaga na hindi ko magugustuhan yang babaeng yan. Dahil kung Oo. Tss. Sorry nalang bro, ako ang mag bebenefit sa kagaguhan mo. Sige, una na ako. First day ko bukas kaya kailangan kong matulog ng maaga. Night dude! Ipagluto mo ako ng breakfast bukas ah!"
"E-ewan ko sayo!" And then he left me while chuckling.
< E N D O F F L A S H B A C K<
'Arghh!! Kainis!! Pano kung magustuhan nga siya ni Nathan? '
Edi magustuhan siya. Wala na akong pake.
'Kaso loko yang pinsan mo!'
Napasapo ako sa ulo ko!!
Arghh!! KAINIS!!
Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko pati narin ang kumot ko upang ibalot sa sarili ko at pumunta sa balcony ng kwarto ko.
Ang lamig! Kaya mas hinalukipkip ko pa ang sarili ko sa kumot ko habang hawak hawak ang cellphone ko.
'Eh te-text ko ba siya? Tawagan ko nalang kaya?'
Napailing ako sa naiisip ko.
Tss. Wag na. Siguradong tulog pa yun ngayon.
Naalala ko ang nangyari kanina bago ako pumunta sa faculty.
Galit pa rin kaya sa akin yun?
" Well, ipagdasal mo nalang talaga na hindi ko magugustuhan yang babaeng yan. Dahil kung Oo. Tss. Sorry nalang bro, ako ang mag bebenefit sa kagaguhan mo."
YOU ARE READING
IT STARTED WITH A TEXT
RomanceTitle: It started with a text Author: sip123 Link: https://www.wattpad.com/story/35124941-it-started-with-a-text Prologue: I never knew love. I didn't experience to have a special someone either. Well, except for my family and friends of course. And...
