Missing

11 2 0
                                        

***

Jenny's P.O.V

Kasalukuyan naming nilalamon ni Jenny ang tinake-out na pagkain ni Joseph. Mukhang enjoy na enjoy nga sya sa paglamon ng burger at pasta, yung sauce nga ng pasta eh kumalat na sa bibig nya. Ambaboy talaga kumain ng isang to.

haiisst. hanggang ngayon eh hindi niya pa rin alam na sumama ako kay Joseph.

"Alam mo best, duda pa rin ako na nasa isang malapit na kamag-anak ka lang, eh wala ka namang kamag-anak dito. no?" with matching interrogating eyes .

Nabilaukan ako sa sinabi ni Jasmine.

"Bes?tubig?"

"Hindi. Kutsara gusto ko, bigyan mo ako ng kutsara."

At ang gaga, binigyan nga ako ng kutsara. -_-

"Gaga!! Tubig nga akin na. Mamamatay ako sayo eh"

Binigay naman nya sa akin ang tubig.

"Eh ikaw kasi. May pa bilauk-bilauk ka pang nalalaman jan, ang O.A lang huh?"

"Eh kung di ka lang kasi salita ng salita ng kung anu-ano jan!! Walang utang na loob, kung pabayaran ko kaya yang nilalamon mo ngayon?"

"Ikaw naman, high blood masyado, eto na nga oh zipper na yung mouth ko kahit na iniisip ko pa rin ang possibility na baka nag  tanan kayo ng Nathan mo."

Pinandilatan ko sya ng mata, nag peace sign naman ang gaga.

Speaking of Nathan, hindi ko nga pala yun nareplayan . maitext nga...

kinapa ko ang bulsa ng jogging pants ko pero wala. Hala, patay. baka--- naku, naku!! wag naman sana.

" Jasmine, nakita mo ba yung cellphone ko?"

"luh?? Ba't ako?"

"Nagtatanong nga lang no?"

"eh san mo ba kasi nilagay?'

" Di ko nga matandaan eh, pumasok ba ako ng kwarto?'

"hindi pa, dito ka lang naman dumiretso, saka sa sala rin"

"baka nandyan sa cellophane, pakitignan nga"

"Wala eh.."

IT STARTED WITH A TEXTWhere stories live. Discover now