The Task

16 3 0
                                        

Someone's P.O.V

I'm still holding her phone. Balak kong magpakilala na sa kanya tungkol sa pagkatao ko sa pamamagitan ng pag sauli nito.

I open her phone. May password. Tss. Tinignan ko nalang ang wallpaper niya.

Di pa rin siya nagbabago. Maganda parin siya.

I'm in the middle of my thoughts when my phone vibrated.

Si Lolo.

Nagdadalawang isip ako sa pag sagot. Alam kong sa oras na sagutin ko ang tawag na ito ay may hahadlang na sa mga plano ko.

Pero di ko kayang di sagutin ang tawag niya. Duwag nga talaga ako pagdating sa matandang to.

Sana lang this time, ang iuutos niya eh hindi na makakahadlang sa kaligayahan ko.

I press the answer button.

"Good evening sir."

"I need you in my home tonight. May importanteng pag uusapan tayo."

"Tungkol saan po sir?"

"Ano pang pag uusapan natin dito kung sasabihin ko naman lang din sayo through phone? Just come over here. At remember. Ayokong pinag hihintay ng matagal."

"Y-yes sir."

And then he hanged up.

Tinignan ko ulit ang phone niya.

Natatakot ako. Natatakot ako na baka may ipagawa na naman si Lolo sa akin na magpapalayo sa akin mula  sa kanya ULIT.

I close my eyes.

No! Hindi na yun mangyayari.

Dahil this time. I'll choose my heart. I'll choose my happiness.

Even if that will turn me into a selfish beast.

***

Joseph's P.O.V

I hurriedly step on the gas after i dragged  Nathan inside my car. Tss. Ang tigas talaga ng ulo nito. Ba't pa ba siya pumunta dito?

"Whoa! Easy dude! Class hour mo pa ah! "

"Ba't ka ba nandito?"

"Utos ni Tanda eh. Ayoko naman talagang mag transfer sa paaralan mo. Eh ang boring kaya ng public, at saka ang cheap ng mga studyante. Ewan ko nga sayo ba't ka nakakatagal sa skwelahang ito." Pa cool niyang sabi.

"Oh di dapat nag reklamo ka kay tanda! Ba't ka pa pumunta dito?"

"Di mo man lang ba ako na miss?" He said it with a pout.
Pinakitaan ko sya ng kamao.Tinawanan lang ako ng loko. Tss.

"Ang highblood mo talaga dude no? "

Hindi na kami hinarang ng school guard. Kilala nila kung sino ako eh. Ay mali. Kilala pala nila ang apelyedo ko. Hindi ang totoong ako.

IT STARTED WITH A TEXTWhere stories live. Discover now