**


Pagkatapos nga nun ay inihatid na ako ni Yeol samin. Kinaumagahan naman ay nagdate lang kaming dalawa. Kung ano ano lang yung ginawa namin. Nuod ng sine, kain, arcade at kung ano ano pa. Meron nga ding nagpapapicture samin na mga fans nya. Natutuwa ako kasi nirerespeto nila yung relasyon namin ni Yeol. Sabi pa nila ay susuportahan daw nila kami. ChanThea forever! Hahaha. Maghapon kaming magkasama ni Yeol nun. At nung inihatid nya ko samin ay ayaw nya kong paalisin sa sasakyan nya. Yep. May sasakyan nga si Yeol. Sya yung nagdrive. Ayaw nya akong paalisin. Aniya'y magiging bussy na daw kaming dalawa at baka matagal pa bago ulit kami magkita. Sinabi ko na lagi kong magtetext sakanya kaya pinayagan na nya kong lumabas ng sasakyan nya. Pero syempre, bago ako lumabas ay nag kiss muna kami. Ahihi.

Back to reality, monday ngayon at nagreready na kami ni Maine para sa pag pasok namin sa school.

"WAHHH bess! Ang ganda ng uniform natin! Huhu!" ani Maine habang tinitignan sa salamin yung sarili.

"Oo nga eh! Ang cute ng palda" sabi ko habang tinatali yung buhok ko.

" haha For sure marami tayong magiging classmate na gwapo!"

"Tss! Ang landi mo!" tumawa ako. Inirapan lang nya ko

"Pero syempre loyal ako kay Dyo oppa!"

"Yeah yeah! Whatever!" Kinuha ko na yung bag ko at lumabas ng kwarto. Sumunod naman si Maine. Dumiretso ako sa kitchen at nadatnan ko si Dad na nagbabasa ng newspaper at si Mom na naglalagay ng mga plato.

"Good Morning Mom, Dad!" hinalikan ko sila sa pisngi. Ganun din ang ginawa ni Maine. Umupo kami at nagsimula nang kumain.

"Princess, since unang araw nyo ngayon sa school, ako ang maghahatid sa inyo." ani Dad habang hinahalo yung coffee nya.

"Sure dad." sabj ko. Pinag patuloy lang namin yung pagkain namin at nang matapos na kami ay nagpaalam na kami kay Mom. Pumasok kami sa kotse ni Dad at inihatid nya kami sa Hwang Moon, kung saan kami papasok ni Maine. Namangha kami ni Maine nang makarating kami sa hwang moon. Ang ganda ng buong school. Malinos yung facility nila. Doble yung laki nito sa dating university na pinapasukan namin ni Maine.

"Wow! Ang laki naman nitong school na to! Hindi kaya mawala tayo dito?" ani Maine pagkababa nya ng kotse. Bumaba narin ako at nagpaalam kay daddy

"Bye dad! Thank you sa paghatid!" I kissed his cheeks

"Bye po tito!" paalam din ni Maine

"Sige! Enjoy your first day here!" ngumiti si Dad. We wave our hands on him atsaka pumasok na sa school. Pinagtitinginan naman kami ni Maine pagkapasok namin. Bago palang kasi kami sa paningin nila. Habang naglalakad kami ay naririnig kong pinagbubulungan nila kami.


"Transferee ba sila dito?"

"Diba si Althea Kim yan? Yung dinedate ni chanyeol oppa?"

"OMO! Is that Althea Kim? Dito narin sya papasok?"

"Her face looks familiar! Wait. Nakita ko sya kahapon na kasama ni chanyeol oppa sa mall!"

"Grr! I so hate her! She stole chanyeol oppa from me!"


Karamihan ay ako ang pinagbubulungan nila. Kilala nila ako dahil ako yung dinedate ni Yeol. Sana lang ay maging maganda yung buong school year ko dito! Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Maine. Pinagtanungan namin ni Maine yung isang lalaking nakasalamin kung saan ba yung room namin. Tinuro naman nya iyon at naglakad na kami papasok sa room namin. Natigil ang mga estudyante sa ginagawa nila nang makapasok kami ni Maine. Tumahimik yung buong room. Lahat ng atensyon ay nasa amin. Nginitian nalang namin sila at umupo sa dalawang bakanteng upuan sa likod.


Maya maya'y dumating na yung professor.


"Okay class, we have a two new student here. They're from the Philippines. Ms.Althea and Ms.Maine please come here and do introduce yourselves." tumayo kami ni Maine at pumunta sa harapan kung nasaan yung professor. Humarap kami sa kanila at nagsimulang ipakilala yung sarili namin.

"Annyeong Haseyo! jeoneun Althea Kim iyeo." pakilala ko atsaka nag bow sakanila

"Uhmm... Annyeong haseyo! jeonun Maine iyeo." pakilala din ni Maine atsaka nag bow.


Pagkatapos namin magpakilala ay umupo na kami sa upuan namin at nagsimula na magturo yung professor. Dalawang prof pa yung pumasok samin bago tumunog yung bell. Hudyat na break time na! Tumayo kami ni Maine at sinundan nalang yung mga classmates namin. For sure naman ay sa cafeteria ang tungo nila. Papasok na sana kami sa loob ng cafeteria ay bigla kaming hinarangan ng limang babae. Meron silang dalang mga timba. Saan naman nila gagamitin yun? Masama ang tingin nila sakin. Sakin lang sila nakatingin. Hindi nila pinapansin si Maine. Sumenyas yung nasa gitna sa katabi nya. Tumango ito at pumunta kay Maine. Hinawakan nila yung dalawang braso ni Maine at inilayo sakin


"BESSS" sigaw sakin ni Maine. Hindi ko na sya napansin dahil biglang nagsalita yung babae sa harapan ko.


"Well well well... Althea Kim..." aniya


"W-what do you want?" tanong ko sakanya


"Oh! What I want??? Eto!" nagulat ako ng bigla nya akong batuhin ng itlog. Tumama iyon sa may noo ko. Sht!


"DAMN! ANONG GINAWA MO?" sigaw ko sakanya habang tinatanggal yung shell ng itlog sa may noo ko.


"NABABAGAY LANG SAYO YAN BTCH! BAKIT MO INAGAW SI CHANYEOL OPPA SAMIN HUH? SAMIN LANG DAPAT SYA!! SAMIN!!!" sigaw nya at sunod sunod akong pinagbabato ng itlog. Marami nang tumutulong sakanya. Ginagawa kong panangga yung braso ko pero wala! Natatamaan parin ako! Naririnig kong sinisigaw ni Maine yung pangalan ko. SHT! Di ko na kaya! Ang dami nang itlog yung binabato nila sakin. Feeling ko nagkakasugat nabyung mukha ko at dumudugho na ito. Nilalgkit narin yung buo kong katawan.


"NABABAGAY LANG SAYO YAN! HAHAHAHAHAH" nakaramdam ako nang matigas na bagay na bumato sa ulo ko. Natumba ako dahil doon. Mas lalong dumami yung nagbabato sakin ng itlog. Pinagkakaisahan nila ko. Naramdaman ko ang luha na umaagos mula sa mga mata ko. Masyado nang masakit. Nagulat ako nang biglang may sumigaw ng pangalan ko.


"ALTHEA!" Inangat ko yung ulo ko at nakita ko ang isang taong hindi ko inaasahan.





"Jinho..." iyon nalang ang nasabi ko then everything went black.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon