Chapter One

76 4 2
                                        


Chapter One: Meet Hartzia Grill


Hartzia's Point of view



Nagmamadali akong mag-ayos ng gamit ko sa kwarto. Bigla nalang kasi akong tinawag ni Scarlet my bitchfriend.





Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba ako sa hagdan at pumuntang sala. Naabutan ko dun si Scarlet at Zandra na may hawak-hawak na isang black folder. Agad kumunot ang noo ko ng makita ang folder nayun.




"Ano yan?" Taas kilay kong tanong. Tinitignan lang kasi nila ito at parang walang balak na tignan ang nasa loob ng folder.



"We don't know. Basta ko nalang nakita ito sa labas ng condo natin." Nakakunot na sabi ni Scarlet. Lumapit ako sakanila at inagaw ang folder.




Binuksan ko ito habang sila naman ay parang ewan lang na naghihintay na mabuksan ang folder. Nang mabuksan ko ay agad-agad kong kinuha ang laman nito. Lalong kumunot ang noo ko nang makita ang nasa loob ng folder.




Mapa? Isang mapa ang nakita ko. At ang nakalagay na pangalan nito ay Dark University's Map. Tinignan ko sila Zandra at nakita kong nagtataka rin sila. Pati rin naman ako ay nagtataka dahil wala pa akong naririnig na lugar na may pangalan na ganiyan.



"Saan naman yang University nayan? I'm interested!" Sinamaan ko si Zandra sa sinabi nya. Seriously! Hindi nga namin alam kung ano yang lugar na yan at kung safe ba!


Sa sinabi ni Zandra ay agad kong binalik sa loob ng folder ang mapa nayun. Naglakad ako papunta sa drawer sa may tabi ng kabinet dito sa sala at itinago ang folder nayun. I don't know pero bigla akong kinabahan kanina ng makita ang mapa.


"Hey! Zia san mo nilagay yun!?" Tanong ni Scarlet. Tinignan kolang ito at pumunta na akong kusina. Bigla kasi akong nauhaw.



Dumiretso ako sa ref at kumuha ng malamig na tubig. Habang umiinom ako ay may kumatok naman sa pintuan ng condo namin. Narinig kong binuksan ang pinto at mga yabag. Pagkatapos kong uminom ay tinignan ko ang mga bisita namin or should i say mga bwisita.





"Hey there cousin!" Bati sakin ng pinsan kong babaero. Tinaasan kolang siya ng kilay at pumuntang sofa para maupo. Kinuha ko ang remote ng TV at nanood nalang.




"Ang sungit talaga ni cousin!" Hindi ko pinansin si Kelvin sa sinabi niya. May utang pa saking yang lalaking yan.



Well hindi lang naman isang ugok ang bumisita samin kundi may dalawa pa. Si Kelvin, Sebastian at si John. Magbabarkada kami at si Kelvin lang ang pinsan ko. Simula Elementary ay barkada ko na tong mga ito.




"Guys may nahanap kami kaninang mapa ni Zandra!" Napalingon ako kay Scarlet ng bangitin nanaman niya iyong mapa nayun.



"May naisip ako! Ang mapa nayun kasi ay may nakalagay na Dark University kaya i think school to." Sabi naman ni Zandra. Tumaas ang kilay ko ng parang nabasa ko na ang iniisip niya.



"Sakto at wala pa tayong napapasukang college school kaya tingin ko ay subukan natin itong University nato." Sabi ni Scarlet. Bigla namang kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya.


"What do you guys think? Adventure narin ito!?" Excited na sabi ni Zandra.



"Parang magandang ideya--."


"No! Naisip niyo ba kung safe ba tayo kapag pumasok tayo jan? Ni hindi nga natin alam kung saang lugar at hindi pa natin naririnig na may ganyang lugar dito!" Inis na sigaw ko.



Dark UniversityStories to obsess over. Discover now