Epilogue

733 21 1
                                    

Epilogue.

[Krish's POV]

"Mommy, daddy, look!" naaaliw na wika ni Claire. Namamasyal kami ngayon sa Balboa Park. Kasama ko ang brother-in-law ko na daddy ni Claire.

Sa peripheral vision ko, may nakita ako. Someone too familiar. Pero imposibleng nandito siya ngayon. Ano yun, coincidence?

"Krish," kinilabit ako ni Matt, ang daddy ni Claire, "you're spacing out again." 

Ngumiti ako sa kanya. "Sorry."

"And that guy over there is staring at us," dugtong pa ni Matt sabay turo sa direksyon kung saan ko nakita ang kamukha ni Alex. Hallucination ko ba yun o hindi? Tumingin ako sa tinuturong direksyon ni Matt at nanlaki ang mga mata ko. 

"Alex," I murmurmed. Nakatingin siya sa amin. 

"Do you know that guy?" tanong ni Matt sa akin.

Tumango ako. 

"Daddy, I want ice cream," biglang sabi ni Claire. 

Binuhat ni Matt si Claire. "I'll just buy Claire some ice cream. We'll be back soon. Talk to your friend." 

Umalis na sina Matt and Claire. Nakatayo pa rin ako dito. Unti-unting lumapit si Alex sa akin. 

"H-hi," bati niya sa akin. 

"A-alex. Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. 

"I had some business to attend to. Upo muna tayo?" sabi niya. Umupo kami sa malapit na bench. Wala pa ring nagsasalita sa amin. Awkward silence. 

Naramdaman kong huminga siya ng malalim. "How was your operation?" 

Napatingin ako sa kanya. "It was successful." 

Tumango siya. "That's good." 

Tahimik ulit. Yumuko na lang ako. Hinihintay kong magsalita siya ulit. 

"I missed you, Krish."

Napatingin ako bigla sa kanya. "I missed you too, Alex. Kamusta na pala ang barkada? S-si Bianca?" 

"Okay lang naman sila. Nagpropose na si Stephen kay Lizzie," tumawa siya ng pagak. Nakitawa na rin ako. Sa wakas, ikakasal na ang dalawang yun. 

"Eh kayo ni Bibi? Kelan naman ang kasal nyo?" tanong ko sa kanya. 

"Wala na kami ni Bianca, matagal na." 

"Ahh..."

"Krish..."

"Yes?"

"W-was that your husband?" 

Kumunot ang noo ko sa tanong. Husband? Where? "Ha?" 

"Yung lalaki kanina... was that your husband?" tanong niya ulit sa akin. This time, hindi ko na mapigilan ang ngumiti. 

"No. That was Claire's father. Ngayon ang birthday ni Claire... at ang death anniversary ni ate," sagot ko. 

Tahimik ulit. Nabibingi na ako sa katahimikan. Pinagmasdan ko na lang ang ibang turista dito. Nabigla na lang ako ng hinawakan ni Alex ang kamay ko. 

"Krish..."

"Hmmm?"

"I have something to tell you. Matagal ko ng tinago ko and I think now is the right time."

"Ano yun?"

"I love you."

Ngumiti ako sa kanya. I squeezed his hand. "Well, it took you long enough to say it. I've been waiting for a decade to hear those three words from you. I love you too, Alex. Ikaw lang, wala ng iba." 

Tiningnan niya ako at ngumiti sa akin. I rolled my eyes at him.

"Ang kupad talaga," sabi ko sa kanya. Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya. Niyakap ko siya ng mahigpit. 

"I love you," bulong niya sa tenga ko. 

"And I love you too." 

The end. Wakas.

***

Author's Note.

Rush nga eh. Hahaha. The end. Thanks. :)

-Skyee :) 

The ReunionWhere stories live. Discover now