Chapter 2: A Moment of Two

796 20 2
                                    

"Krish, seryoso ka ba?" tumingin si Lizzie sa akin then kay Janelle at bumalik ulit sa akin.

"Hindi Baby ko, joke lang yun. Kita mo naman na umiyak na si Krish eh," sarkastikong sagot ni Stephen kay Lizzie. Hinampas ni Lizzie ang braso ni Stephen. Lumapit si Lizzie sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Krish, paano na kami? Iiwan mo na kami?" naiiyak na tanong ni Lizzie.

"Lizzie, alam mo naman na hindi ako aalis kung may choice pa ako eh. Pero this time, wala na talaga akong choice. Si daddy na mismo ang nagdesisyon na sa America na kami tumira. Pero promise ko naman na hindi mawawala ang communication natin eh. May Skype, Tinychat, Facebook, Twitter, Tumblr at YM naman eh. Pwede na yun diba?" sagot ko sa kanya. 

"Iba pa rin kapag nandito ka talaga," singit ni Stephen. "Kung wala ka, sino na lang ang aasarin namin? Paano na si Alex? Di, joke lang." natawang sabi niya. "Pero seryoso. Hindi lang kami malulungkot kapag umalis ka, magluluksa talaga kami. Lalo na ang iba dyan." 

Hindi ko na pinansin ang pang-aasar ni Stephen. Sanay na rin naman ako. "Para kang bakla, Stephen. Mamamatay na ba ako?"

Tumawa kaming lahat habang sumimangot ang mukha ni Stephen. 

"Group hug na nga lang! Ang dadrama niyo," tumayo si Nick at lumapit sa amin. 

"Sus, epal masyado ang iba," pang-aasar ni Janelle. Pero nag group hug pa rin kami. 

"Oi Nick, alagaan mo ng mabuti si Janelle ah. Humanda ka sa akin kapag nasaktan ang best friend ko," sabi ko kay Nick ng makaupo na kami.

"What the? Bakit mo ako inihahabilin sa kumag na yan?!" nagulat si Janelle sa sinabi ko pero napansin ko pa rin na nagblush siya. HAHAHA

"Sinong kumag?! Baka ikaw?" naiinis na sabi ni Nick.

"Tsk, mag-aaway naman kayo? Kaya lalong napaghahalataan na gusto niyo ang isa't isa eh," sabi ni Lizzie. Tawa naman ng tawa sina Stephen at Alex.

"Yuck! Ako? Magkakagusto sa kanya? No waaaaaaaaay. Forever alone ako noh," sabi ni Janelle. 

"Krish, ano ba naman yang best friend mo? Nasa denial stage pa rin. Obvious naman na may gusto yan kay Nick," bulong ni Stephen sa akin.

The ReunionWhere stories live. Discover now