Chapter 3: Saying Goodbye

603 18 0
                                    

Monday na. Sa Saturday na ang flight namin papuntang America. Nandito ako ngayon sa school namin para magpaalam sa mga guro, kaklase at kaibigan. 

"Krish! We'll miss you! Keep in touch, okay?" sabi ng isa kong kaklase habang nakayap sa akin.

"Of course, I will. Promise." Sagot ko sa kanya. 

"Uy, bruha. Mamimiss talaga kita," sabi ng isa kong kaklase na umiiyak na.

"Ikaw rin. Mamimiss rin kita." Niyakap ko rin siya.

 

"Ano ba yan, group hug na nga lang. Nakakainis kayo. Iiyak na rin ako," sabi ni Janelle.

Tumawa na lang ang mga kaklase namin at nag-group hug kami. Hindi nagtagal, lumabas na ako ng classroom. Naglalakad siya sa corridor habang pinagmamasdan ang school nila. Inaalala niya ang mga memories nila ng mga kaibigan niya at kaklase niya sa bawat sulok ng school nila. 

"Krish." 

 

Lumingon ako para makita kung sino ang tumawag sa akin. Nakita ko si Alex na papunta sa akin. 

"Oh? Bakit nandito ka pa? Tapos na ang lunch break oh," sabi ko sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Alex sa akin.

Tumango na lang ako. Hinawakan ni Alex ang kamay ko at naglakad kami papunta sa garden. Wala naman masyadong tao dahil katatapos lang ng lunch break. Nauna akong umupo sa bench. Tumabi naman siya sa akin. 

Awkward silence.

Awkward silence.

Awkward silence.

"Alex?"

 

 

"Krish..."

 

 

"Alam mo... mamimiss kita." 

Hindi sumagot si Alex. Hinintay ko ang sagot ni Alex pero hindi pa rin ito nagsasalita. Silence. Ang awkward ng silence.

The ReunionWhere stories live. Discover now