CHAPTER 55 (EDITED)

Start from the beginning
                                    

"Ano bang problema mo, Marion?"

"He deserve it."

"Alam mo, kung ako sayo, huwag ka nang makialam. Just leave us alone! Magsama kayo niyang girlfriend mo! Parehas kayong paggulo sa buhay namin!"

At dahil na rin siguro sa sakit na nararamdaman ni Karissa. Nakalimutan niya ang galit kay Vince, at sinama niya ito sa pag walk out sa harap nila Marion at Chloe hanggang sa pumasok sila sa isang bakanteng kwarto.

"Sana hindi ka nagsalita kay Marion ng ganoon."

"He deserved it! Napupuno na ako sa kanila!"

"Pero—"

"Hoy! Vince de Vera, hindi pa tayo tapos"

Lingid sa kaalaman nilang dalawa, mayroon mga taong nasa labas ng kwarto kinaroroonan nila ang nanonood sa kanila. Pero sa kamalasan nila, naka-sound proof ang kwartong ito kaya wala silang marinig sa pinaguusapan ng dalawa sa loob.

"Magkakaayos na iyan sila." paghuhula ni Japs.

"Hindi pa yan." pagsalungat ni Coke.

"Oo nga, galit na galit si Karissa oh?" pagsang-ayon ni Alt.

"Ano ba kasi pinaguusapan nila?" inis na banggit ni Japs.

Nagsimula na ulit magmakaawa ni Vince kay Karissa. Dahil alam niyang si Karissa ang kanyang magiging susi para makausap ulit si Ciara.

"Karissa, kailangan ko magexplain kay Ciara."

"Explain? Ano pang i-eexplain mo? Sobra mong nasaktan yung bestfriend ko! SOBRA! Ayoko pang dagdagan mo pa yun!"

"Bakit ba hindi niyo muna ako pakinggan?!"

"Eh kasi nakakasawa ka na! Bibigyan na sana kita ng chance pero mukhang hindi worth it. Lalo na yung nakita ko ngayon!"

"It's a misunderstanding! Hinalikan niya ako Karissa!"

"Hinalikan mo naman?!"

"Alam mo yung bigla?! Hindi ko naman gusto yun! Hindi ko alam na gagawin niya yun!"

"I'm thankful Vince na ako ang nakakita nun, pero kung si Ciara iyon. Baka napatay na kita ngayon!"

"Intindihin mo naman ako. Seryoso ako sa kaibigan mo!"

Tumawa ng malakas si Karissa na para bang nang-aasar.

"Pinapatawa mo ba ko? Naririnig mo ba yan sinasabi mo? Naririnig ko ba ito sa isang playboy?"

"KARISSA! HINDI NA AKO PLAYBOY!"

"Stop your joke, Vince. Leave my bestfriend alone! Maawa ka naman sa kanya! Kung may nakipagpustahan sayo, magpatalo ka na lang! Babayaran na lang kita! LAYUAN MO LANG BESTFRIEND KO!"

Umalis na si Karissa sa kwartong iyon at iniwan si Vince. Pagkakita nila Japs na umalis na si Karissa, tumakbo na sila loob ng kwarto kung nasaan ni Vince.

"BAL!!! Ayos ka lang ba?"

"Bakit ganun? Bakit ayaw niya maniwala? Seryoso naman ako diba?"

"Oo, seryoso ka Bal ka."

"T*ngina pare! ANG SAKIT-SAKIT NA! I can't live without her!"

*******

Natapos na naman ang isang nakakapagod na araw sa Xavier High. Si Marion ay nasa corridor lang at napapaisip sa mga nangyari nun araw na iyon. Napansin ni Marion na nasa tabi na pala niya si Vince. At napansin niyang, problemado pa din ang taong ito.

Doon lang niya naisip na seryoso talaga ang kaibigan kay Karissa. Lalo na ngayon lang niya nakita ang taong ito nagpakita ng kahinayan niya. Naisip na rin niya na batiin ang isang ito dahil kaarawan nito bukas.

"Vince, Happy Birthday. Isipin mo na lang iyong ginawa ko kanina, pa-birthday gift ko sayo."

"Salamat, Marion. Pero tama ka, I deserve it. G*go ako e."

"Hindi, nagkamali ka lang."

"Hindi ko naman sinasadya eh. Lalo na mahal ko siya"

"Tipong hindi mo kayang mawala?"

"Oo, Marion. Hindi ko talaga kayang mawala siya. Kilala mo naman ako diba? Ngayon lang ako nagseryoso."

Napatigil silang magusap dahil may dalawang babaeng dumaan sa harapan nila. Wala ng iba kundi sina Karissa at Ciara.

Napansin ni Marion na nakatingin sa kanya si Karissa. Pero hindi niya maintindihan ang sarili dahil pinili niyang umiwas ng tingin sa mga mata ng babae. Bigla na lang niyang napaisip na dapat simulan na niyang turuan ang sarili na umiwas kay Karissa at simulan na rin niyang i-give up ang nararamdaman sa babae. Kahit alam niyang masakit para sa kanya ang gawin iyon.

Nakatingin lang si Vince kay Ciara. Kahit isang sulyap galing kay Ciara na hinihingi niya ay nabigo siya. Gustuhin niya man lapitan si Ciara pero hindi niya magawa dahil alam niyang mas lalo lang siya mabibigo. Ayaw na rin niyang makarinig na masasakit na salita galing sa kanya. Mas mabuti na muna mabigyan niya ng katahimikan si Ciara.

Gulong gulo ang isip ni Ciara kung lilingon siya kay Vince o hindi. Gusto niya sana sulyapan ito pero hindi niya rin kaya dahil alam niyang pag ginawa niya ito, baka makalimutan niya na galit siya sa lalaking ito. Hindi niya hahayaan na lalo pa siyang saktan ni Vince.

Nagsisisi si Karissa kung bakit dito sila dumaan ni Ciara pauwi. Hindi niya inaasahan na makikita niya ag dalawang lalaki na iniiwasan niyang makita. Una, si Vince na nanakit sa bestfriend niya. Ayaw niyang makita ang lalaki na ito lalo na kasama niya pa ang bestfriend niya. Dahil sigurado siyang nasasaktan na naman ang bestfriend niya ngayon ng makita ulit itong lalaki na ito. Pangalawa, si Marion. Ayaw niya din makita ang isang ito lalo na pagkatapos ng sigawan na nangyari sa kanila kanina. Hindi niya maintindihan ang sarili niya pero alam niya sa sarili niya nasasaktan siya dahil sa lalaking ito. 

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Where stories live. Discover now