Chapter 49: Home

43 2 0
                                    






"And it's like my old home looking  back at me."

Zyril's POV

Its 3:30 pm and we're here at the library to do some advance study. Kasama ko parin sila Pepay at Dalia. Hindi talaga namin alam kung paano bubunuin yung buong maghapon sa school kaya naman wala kaminng choice kung'di mag-aral nalang. Muntik pa ngang maiyak si Pepay sa idea naming 'to pero wala din naman syang choice. Natatawa kame sa reaksyon nya!

Bakit ba kasi nila kami pinapasok pa kung wala din naman kaming gagawin dito? Minsan hindi ko maintindihan ang utak ng principal dito eh. Saan kaya nakuha ni Don.Iñigo yun?

"Excited na ako para mamaya! First time kong iinom ng alak!!!!!" Nangingisay pa sa kilig si Dalia sa excitement! Invited din nga pala 'tong dalawang 'to mamaya.

"Hoy, Pepay! Umattend ka huh?" Pinanlakihan pa sya ng tingin ni Dalia! Para talagang timang 'to. Kanina pa kasi namin pinipilit si Pepay na pumunta sa birthday celebration ni Steaf. Paano kasi puro nalang kdrama inaatupag nito. Hindi ko nga alam paano nya ba nagagawang mag basa ng subtitle at manood ng mga reaksyon ng mga artista ng sabay??

"Titignan ko pa nga! Madami kasi akong gagawin.." nagtinginan naman kame ni Dalia at tumingin ulit kay Pepay. Hmmm... may tinatago saamin tong babaeng 'to eh. Yung totoo? Never syang naging busy. Wala naman ngayong pinapagawa yung mga teacher namin dahil wala nga laging klase.

"Ikaw huh! Anong meron sainyo ni JM huh?" Nanlaki bigla yung mata nya sa tinanong ni Dalia. Muntik na syang masamid sa sarili nyang laway. Baliw talaga, masyado namang halata tong isang 'to.

Nakakatawa naman kung meron ngang something sakanila ni JM ngayon. Like, seriously, daig pa nila kame ni Zick kung mag-away. Para silang mga gutom na leon na nagaagawan sa karne pag nag babangayan tapos they'll end up together? What a great and cute love story!

"W--wala ah! A--ano bang sinasabi mo dyan Dalia? I--ikaw nga tong may tinatago eh." Si Dalia naman ang nalaki ang mata. Okay wait... what's happening?

"Huh? Anong tinatago? Anong sinasabi mo? Nakuu! Iniiba mo lang usapan eh' engks!" Nag cross pa ng arms si Dalia at confident na ininom yung Milktea nya.

"Hindi kaya! Nakita ko yun ng dalawang mata ko kaya may proweba ako!" Tinuro pa ni Pepay ang mga mata nya ng dalawang daliri nya at tinuro kay Dalia. Bigla namang kumunot ang noo ni Dalia. Iniisip nya siguro kung ano ba tong sinasabi ni Pepay.

Tintitignan ko lang silang dalawa dahil wala akong idea ano ba pinaguusapan nila.

"Ano ba yung nakita mo with your own eyes Pepay? Share mo naman saamin oh!" Hindi ko na natiis manahimik. Tinignan namin ngayon si Pepay na napapailing habang nangingiti. Seryoso, ano ba yun?

She took a sip first on her ice tea at binagsak yun sa lamesa na nag gawa lalo ng tense kay Dalia sa kung anuman ang sasabihin nya. Napatalon pa si Dalia sa gulat dahil sa ginawa nya.

"Ikaw!" Tinuro nya si Dalia. "At si Shin Muramatsu" siningkit nya pa ang singkit na na mata nya gamit ang dalawang daliri nya na parang ginagaya si Shin. "Ay nakita kong magkasama sa mall! I saw it with my own eyes." She let out a smirk at tinaasan ng kilay si Dalia.

WAIT, WHUT? So.... are they dating???? Napatingin kame kay Dalia na ngayo'y nakanganga sa narinig. So totoo nga?!?

"Kaya kong patunayan yun! Ihaharap ko sayo ngayon si Panget dahil dalawa kaming nakakita nun! Nasa loob kame ng isang restaurant at nakita namin kayong magkasama na namamasyal habang sweet na nagtatawanan! Huh! Got you, Dalia!" Mayabang na sabi ni Pepay at tumatango tango pa. Si Dalia naman inaalala parin yung araw na binanggit ni Pepay.

It's Destiny's Choice.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon