Chapter 40 "Different Picture"

74 3 7
                                    

Chapter 40 "Different Picture"

You can't run away from Up's and down's....

Zyril's POV

Nandito kame ngayon sa ospital ni Zick. Ayaw nya ako isama nung una pero nagpumilit ako kaya wala syang nagawa! Gusto ko kasi malaman ano lagay ni Lolo Iñigo! Na meet ko na kasi sya dati at naging mabait sya saakin. Kame palang dalawa ni Zick ang nandito. Nung sinugod kasi si Lolo Iñigo sa Ospital si Zick ang unang cinontact ng mga kasama nila sa mansion.

Nakakalungkot man pero coma ngayon ang lolo ni Zick. Hindi ko naman alam kung bakit oh ano ang dahilan. Ayoko din namang mag tanong ng mag tanong ngayon kay Zick dahil kahit na lagi nyang kinakaayawan ang lolo nya alam ko na nagaalala sya ngayon dito. If I could just comfort him now. I would, but I don't know how.

Biglang may tumawag sakanya. At sinagot naman nya ito.

"Hello? Who's this?....oh, ok" tapos pinutol nya na yung call. Tinignan ko sya na nagtatanong kung sino yun.

"Si Zack. Papunta na daw sya. Tara na ihahatid na kita sainyo"

"Teka bakit? Hindi manlang ba natin aantayin muna si Zack?" Binigyan nya ako ng naiinis na mukha.

"Bakit ba eh gusto ko umalis na ngayon eh! Tara na! Ayoko kayo ni Zack magkita!" Tapos hinila nya ako patayo! Pero hinila ko rin naman ang kamay ko mula sakanya!

"Bitawan mo nga ako!!! Para kang bata! Hintayin na natin si Zack! Bakit ba ayaw mo kami ni Zack magpang abot? Parang baliw to'! Teka....nagseselos ka ba saamin huh?" Namula sya bigla. Ako din tuloy! Takte naman bakit ko ba naisipang tanungin yun!!!!>_<'

"H-hindi ah! Sino naman nag sabi sayo nyan? Assuming ka din minsan eh!" Iniiwas nya yung tingin nya saakin. Nakakailang tuloy! Bakit nga ba ang assuming ko! Feeler mo Ziri!

"Edi hindi na! Kung hindi ka talaga nagsselos hintayin muna natin sya! Para hindi maiwan mag-isa dito si Don.Iñigo! Unless inaamin mo sa sarili mo na mas gwapo sayo ang kakambal mo sige alis na tayo!" Bigla nya naman binalik yung tingin nya saakin. This time para syang natatawa na ewan. In a mayabang way.

"Haha! Si Zack? Mas gwapo saakin ang palakang yun? Yung mukhang kulugo na yun' mas gwapo saakin? Huh! Nagpapatawa ka ba? Fine! Lets wait for that gay shit! Kahit umabot pa tayo hanggang next week maghihintay tayo sakanya!" At ayun nga ang nangyari. Hinintay nga namin si Zack.

After mga 10minutes dumating na si Zack. But he's not alone, he's with someone.

"Bakit ang tagal mo? Nag makeup ka paba bago ka pumunta dito? At kasama mo pa tong butiki na to'!" Tapos tinuro nya yung kasama ni Zack. Lalaki sya, matangkad sya saakin pero feeling ko mas bata sya saakin. But infairness. Gwapo din kahit bata pa. Sa tingin ko mga 15 palang sya. Pero ang gwapo nya na! Iba talaga dugo ng Sebastian!

"Easy ka lang jan bro! Sinundo ko pa kasi tong si Ditch sakanila kasi di pinayagan ni auntie mag drive dahil kakalabas nya lang sa kulungan kagabi. Nahuli syang over speed limit at walang lisensya dahil underage pa sya."

Anong sabi nya? Kakalabas palang sa kulungan? Sheez! Kaya pala! Mukha din kasing bad boy ang isang to. Para syang mas pinabatang Version ni Zick. Hindi naman sya nakikinig dahil naka earphones sya at pagdating nila dumiretso agad sya sa sofa sa gilid at nag cellphone.

"Eh may balak ka palang maging yaya nitong Butiki nato' bakit hindi mo pa dinalhan ng Dede!"

"Zick!!!" Pag saway ko sakanya. Talagang lagi nyang iniinis ang kakambal nya!-_-

"Nandito ka pala Ziri!" Nginitian nya ako.

"Ano ka ba nagpapacool oh bulag ka lang talaga? Kanina pa sya nandito tapos sasabihin mong nandito ka pala?" Ugghh!! Jusme Zick!!!

It's Destiny's Choice.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon