CHAPTER 53 (EDITED)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano?"

*FLASHBACK*

*Nathan's POV*

Tsk.tsk.tsk. Kawawa naman itong si Karissa. Siya tuloy ang napagtripan ng Class 4-6. Basang-basa tuloy siya. Pero ng kukuhain ko na ang towel ko sa bag ko. Nagulat nalang ako ng dumating si Marion at may binigay na towel kay Karissa. Hindi pala binigay, hinagis sa mukha ni Karissa. Pero kahit ganun ang ginawa niya, nakakagulat pa din ang kilos niya.

"Malaki na rin sapak ng ulo mo noh?!"

"Baka maging feeling ka dyan, hindi ako concerned. Baka kasi wala kang dalang towel, magmukha kang basang sisiw diyan."

Pinigilan ko na lang tumawa. Minsan talaga, disadvantage sa kanya na simula pagkabata pa lang namin, magkaibagan na kami. Dahil alam ko na ang mga ganyang kilos niya.

*END OF FLASHBACK*

"Sinabi ko naman nun kaya ko lang ginawa iyon dahil ayokong may nakikitang basang sisiw."

"Sa pagkakakilala ko sayo Kuya. Hindi ka nagbibigay o nagpapahiram ng gamit sa ibang tao lalo na sa BABAE at BAGONG KILALA."

"Bakit ba hindi kayo nakakaintindi?"

"Ikaw ang hindi nakakaintindi, Kuya."

"Tala---" Hindi na naman ako pinatapos ni Nathan dahil sumingit na naman siya.

"Ok, kung hindi pa iyon sapat sayo, ito pa."

*FLASHBACK*

*Nathan's POV*

"Oh? Saan tayo?"

"Saan pa nga ba?"

"Edi, sa dati."

"Sama ba tayo sa Dead End?"

"Bahala kayo."

"Kumpleto pala lahat eh."

"Si Karissa ba iyon?"

"Yung classmate natin?"

"Bakit naman kaya nag-iisa lang siya?"

"Bakit kaya hindi pa siya umuuwi?"

"Naghihintay siguro ng sundo?"

"Hindi pa ba tayo aalis? O papanoorin niyo pa umuwi yan?"

"Highblood na naman ito. Halika na nga kayo mga tol."

Labo rin netong si Pards. Minsan gusto ko din bawiin yung iniisip kong baka may gusto ito kay Karissa. Sumakay na kami sa mga kotse namin. Pero napansin ko naman, nahuli sumakay si Marion sa kotse which is siya naman unang naglakad papunta sa sasakyan niya. Actually, kapag magkakasama kami. Siya lang ang hindi nagpapasakay sa kotse niya. Ganyan siya ka-BAIT sa amin! Hahayaan niya kaming magsiksikan sa mga sasakyan namin. Basta WALANG pwedeng sumakay sa kotse niya!

Aba! Huli ka Marion. Akala niya siguro, hindi ko nakita na sumilay muna siya kay Karissa bago siya umalis. Wala pala siyang pakialam ah.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon