CHAPTER 51 (EDITED)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Do the kangaroo jump in 10 Minutes."

Medyo madali naman pala yung susunod. Nagsimula na silang magkangaroo-jump sa may court.

"Anong ginagawa niyo diyan? Do the kangaroo jump in 10 minutes at the bleachers! Bottom to the top, top to bottom!"

"ANO?!!!" Oo, hindi lang un mga nagttry out un napasigaw. Lahat ng tao dito sa court.

"Bakit? May problema ba? Cheerdancers, diba nagpapahinga kayo? Bakit hindi niyo na lang i-save yang energy niyo para sa practice niyo?"

Aba nman, pati kami pinapansin. Nananahimik lang kami dito well except lang nung magreact kami. Sino ba naman kasi hindi magrereact sa ginagawa niya? May balak ba talaga siyang patayin itong mga nagttry-out? Hindi ko na nga lang siya papansinin.

"5 Minutes pa! Bilisan niyo!"

Naku! Siya kaya yung gumawa nun! Karissa, pigilan mo talaga yan sarili mo. Magkakagiyera talaga dito

"TIME'S UP! Ang susunod niyong gagawin ay..."

"Captain! Puwede bang magback-out?"

"Ang bilis ah? Sige, umalis na dito ang gusto nang magback-out!"

Yabang talaga. Hindi na talaga maaalis ang kayabangan sa katawan niya. Unti-unti ng umaalis yung ibang magttry-out. Halos kalahati ang natitira.

"Wala na bang lalabas?"

Wala na sumasagot sa kanila. Naririnig ko pang nagkkwentuhan itong Class 4-6 sa likod ko.

"Ayaw pa din nilang mag-backout?"

"Naghahanap pa din sila ng sakit ng katawan."

"Kapag minalas talaga sila, Si Marion pa humawak sa kanila."

"Siguradong kung andito pa si Chris, siya mismo ang magpptry-out sa mga yan. Tulad lang ng dati."

"At si Nathan ang taga-warm up sa varsity players."

"Natatandaan ko pa, si Marion ang nagttraining mag-isa."

"At dahil kulang sila ngayon, no choice sila. NO MERCY!"

"Naalala ko nga noon, pag nasa bad mood or good mood si Marion, kawawa talaga yung mga players dahil siya yung nagpapattraining sa kanila."

"Pero ngayon kaya, good mood ba siya or bad mood?"

"Sa mga chismoso, siguraduhin niyong hindi ko kayo naririnig."

Lakas naman ng pangdinig talaga ng bakulaw na kapre na ito. Pero mukhang ngayon ko lang naiintindihan kung bakit ayaw ng Class 4-6 na sumali sa try-out. Tanong ko din, bad mood or good mood kaya siya?

"Mag-push up kayo, 100 times!"

Nababaliw na ba siya?! Pagkatapos nun kangaroo jump, ngayon naman push up?! May balak ba talaga siyang pumatay ng tao? Syempre sumunod naman yung mga nagttry-out.

"Hindi niyo na kailangan magpaalam sa akin kung gusto niyo na umalis. Maluwag yang exit ng court."

Hindi pa rin ba siya tapos magpahirap? May 10 ng lumabas ng court. Parang alam ko na kung bakit malapit ang clinic sa court. Tapos na rin sila magpush up. Halatang gusto na nila sumuko pero kinakaya pa nila.

"10 laps..."

WOW!!! Naawa rin si Marion. At 10 laps na lang yung susunod. 10 laps na ano pala?

"na pabalik-balik ng "planting rice". WHOLE COURT!"

Teka, ano yung planting rice? Bakit parang nagulat naman itong Class 4-6? Pati na rin yung mga varsity? Nagsimula na humanay yung mga nagttry-out sa gilid ng court.

"Tignan lang natin kung may matira pa diyan."

"Meron pa yan."

Bago ko narinig yung mga sasabihin nila. Nagulat ako sa nakita ko. Ito pala un "planting rice" na sinasabi nila. Nakaharap sila sa gilid tapos yumuko sila na parang nagtatanim ng palay tapos inistretch nila ang mga dalawang braso nila. Hindi pa talaga sira ulo nitong si Marion? Take note, WHOLE COURT!!! At pagkatapos nun, tatlo na lang ang natira.

"Ok, tapos na tayo sa warm-up niyo."

"WARM -UP?!!!"

Warm-up pa lang tawag dun?!!! Baliw na ba siya?! Paano pa kya un mismong try-out?!

"I told you, hindi pa siya tapos."

"Paano kaya yung try-out niya ngayon?"

"Kayong tatlo, dito kayo sa may 3 point line. Sino gusto mauna?"

Syempre, walang gusto mauna. Ano naman kaya balak nito? Itinuro niya yung isa. Isa lang ibig sabihin niyan.

"Ikaw ang mauna, pagkapasa ko sayo ng bola, ishoot mo agad. Limang beses mo gagawin yan, kailangan lahat ng shoot mo, shoot lahat. Kailangan lahat ng yun mashoot mo kung hindi, kahit isa lang hindi nashoot. OUT KA NA."

"ANO?!! Eh--eh-- hindi ako magaling sa 3 point shoot."

"Umaayos ka na."

Nakakaasar na talaga siya! Hindi man lang niya pinakinggan un isa. Ang harsh talaga niya! Pinasa na agad niya un bola. OMG! Mala-flammable ball yung pagpasa niya. Yung katulad nung pagpasa niya dati kay Chris. Tipong liliparin yung papasahan. Pero...

Nasalo nung nagttryout yung bola... then SHOOT! Paano—

Teka, niloloko ba kami nitong nagttryout?! Akala ko ba hindi siya marunong?

"Paano nangyari yun? Ngayon ko lang nagawa yun. Paano—"

"Ang dami mong tanong. Tapusin na natin ito."

Mukhang hindi nagsisinungaling yung lalaki. Halatang gulat na gulat din siya eh. At ngayon, lahat ng shoot niya, pasok lahat! Ano talaga nangyari?

"Iyan ang secret ng Xavier Boy Dragon Team."

Xavier Boy Dragon Team? Iyan ba pangalan ng team nila? Aba, tapos na sila agad. At lahat ng natira, nashoot lahat nila lahat ng tira nila..

"Pasok na kayong tatlo."

Tapos na yung try-out nila? Eh parang kakasabi lang niya kanina, nagsisimula pa lang sila. Eh iisa pa lang naman nagagawa nila?

"Captain, varsity player na po kami?"

"Bakit? Ayaw niyo?"

"Hindi po!"

"JAPS!!!"

"Bakit po?!"

"I-announce mo tomorrow sa PA ang lahat ng players ng basketball team. At i-announce mo na din na magkakaroon ng Student Council Meeting tomorrow morning 8 am, SHARP!"

STUDENT COUNCIL MEETING?!!!!!!! O_O

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon