CHAPTER 47 (EDITED)

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang haba naman ng speech ni Nathan. Ngayon ko lang siya narinig magsalita ng ganito sa akin. Ganoon nga siguro kaimportante si Karissa sa kanya. Pero sa totoo lang, may point siya. I mean, totoo lahat ng sinabi niya. Binitawan na niya ko at paalis na rin siya ng tumigil siya sa may pinto.

"Marion, huwag kang maghintay ng ampalaya, baka maunahan ka pa. And last one, hindi mo kailangan mamili sa pagitan ng taong mahal mo at ng KAPATID mo."

Kung puwede ko nga lang gawin iyon, ang hindi mamili pero ayokong parehas silang masaktan.

Hindi ko din mapili na piliin si Karissa dahil mas masasaktan siya kapag siya ang pipiliin ko dahil hindi magpapatalo ang kapatid ko.

Hindi magpapatalo si Chloe.

"Kuya! Ayos ka lang ba?"

"Oo."

Nakita kong kumuha agad ng aid kit si Carmela at sinimulan na niya kong gamutin.

"Kuya, palagay ko tama lahat ng sinabi ni Kuya Nathan."

"ARAY!!!"

"Ay sorry, masakit ba?"

"Obvious ba? Masakit din pala sumuntok si Nathan, sa bagay saan pa ba magmamana yun? Edi sa gwapo niyang bestfriend."

"Iyan ka na naman. Pinipilit mong ibahin yung usapan."

"Carmela, bakit naging ganito? Hindi niyo ba maintindihan para din kay Karissa itong ginagawa ko? Ginagawa ko lahat ng ito para hindi ko siya masaktan. Lumalayo na ko hangga't maaga pa dahil ayokong may mangyari pa. At alam mo rin naman kung bakit ginagawa ko rin ito para kay Chloe. Ayokong mawala ang kapatid mo, ang kapatid natin. Ayokong nang dahil dito, mamatay siya. Tinitiis ko lahat ng ito kahit ang SAKIT-SAKIT na!"

Oo, kapatid ko nga si Chloe at Carmela. Obvious naman kung paano ako makitungo sa kanila. Pero hindi ko masabi sa lahat na kapatid ko silang dalawa dahil kapag ginawa ko iyon, malalaman ng lahat ang matagal ko ng tinatago.

"Kuya, naiintindihan naman kita e. Ayoko rin naman mawala ang kapatid natin pero hindi mo naman kailangan iwasan si Karissa. Wala naman dapat masaktan."

"Parang hindi mo naman kilala si Chloe. Saka parang hindi mo alam ang—"

"Kuya, don't rely on that statement. It's a theory."

"Theory na pwedeng magkatotoo."

"Kuya, puwede sa akin mangyari yun. Hindi naman sinabi ng doctor na si Chloe ang puwedeng magmana ng sakit ni Mama, puwede din ako Kuya. Isa sa aming dalawa."

"Hindi totoo yan, Carmela. Wala ni-isa sa inyo ang magkakaroon ng sakit. At ayoko na pag-usapan ito."

"Ok sige. Ganito na lang, ako na bahala kay Chloe. Saka kuya, isipin mo nga, hindi lang pag-ibig mo kay Karissa ang nakasalalay dito. Pati na rin ang pagkakaibigan niyo ni Kuya Nathan."

"Bahala na. Susubukan kong ibalik sa dati ang lahat."

"That's my Kuya! Ganyan dapat, win her back!"

Teka, parang mayroon akong narinig kanina na parang bang mali.

"Parang may mali sa mga sinasabi mo."

"Huh? Wrong grammar ba Kuya?"

"Hindi yun! Anong sinasabi mo na mahal?! Anong pag-ibig?"

"Pag-ibig mo kay Karissa at pagmamahal mo sa kanya."

"Pwede ba?! Wala akong sinasabi na mahal ko siya!"

"Bakit? May sinabi ba kong sinabi mo yun?"

"Huwag mo akong pinipilosopo."

"Ako ang huwag mong pinipilosopo. Hindi naman siguro ako bulag para hindi makita yung true feelings mo para sa kanya."

"Ilan beses ko bang sasabihin sayo na kaibigan ko lang siya?"

"Oh talaga?! Eh bakit parang mismong bestfriend mo na yung nagsabi sayo na mahal mo si Karissa?"

"Nagseselos lang iyon!"

"Nagseselos?"

"O baka, hindi lang siya ang nagseselos."

"Huh? Ano?"

"Tandaan mo, Kuya mo ko. Tunay mong ka-dugo. Kaya kahit anong tago mo, alam ko na may gusto ka kay Nathan."

"Ano ba yang pinagsasabi mo Kuya? Parang kapatid ko na rin si Kuya Nathan. Naku, Kuya Marion, ang problemahin mo ngayon, kung papaano mo maibabalik ang dati niyong closeness ni Karissa. Ok? Sige, I have to sleep na. Goodnight."

Hindi na ko hinintay ni Carmela na magsalita at tuloy-tuloy na siyang umalis sa kwarto ko.

Pero may isang tanong na hindi nagpatulog sa akin,

"Paano ko ibabalik yung dati?"

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon