CHAPTER 45 (EDITED)

183K 3.5K 198
                                    

Update Date: 12/23/19

*KARISSA'S POV*

Hay... Umagang-umaga parang ang tahimik ng paligid.

"HOY!!! Ang daya mo na naman! TALO ka na!"

"Tang*na pare! Ang sexy naman niyan!"

"Nasaan na yung sexy?! Nasaan na?!"

"Weak pala ang mga kalaban natin kagabi! Taob agad eh!"

"Hoy! Panget! May bagong raket na naman ako!"

"DOTA tayo maya!"

"Wag na! Laos na yan!"

"Anong gusto mo?! Yung CrazyKart mong pangbata!"

"DOTA na lang!!"

"TAE!! Nanalo na rin sa wakas!!"

Joke lang. Kailan pa tumahimik itong Class 4-6? Pero sanayan lang talaga yan. Hanggang ngayon wala pa din ako maisip na sagot sa katanungan ko kahapon.

ANO BA TINGIN KO KAY MARION?

Madami akong gustong isipin na sagot. Pero isa lang talaga ang naiisip ko, na may gusto na ko sa kanya. Hindi pala, mahal ko na yata siya. Kung ganun, it means, ganun din si Carmela?!

Kaya AYOKO!! Wait, speaking of love of my life,

I mean, speaking of the devil,

Kakarating lang niya. Nakipaghigh-five pa siya sa iba. Parang walang nangyari kahapon. Ay hindi ko ba nasabi? Nasabi sa akin ni Nathan na OK na daw un Class 4-6 at si Marion. Bilis noh? Ewan ko kung paano. Pero mas maganda na yung ganito. Saka ganyan naman yata un pagkakaibigan ng mga yan. Umupo na rin siya sa likuran ko..

"Karissa, paabot naman kay Marion."

"Ok."

"Ingatan mo yan, kodigo namin yan para sa Math Quiz mamaya."

"Ano?!"

"HAHAHA! Joke lang. Drop-out letter niya yan."

"Ano?!"

"Strike # 2!! HAHAHA."

"Akin na nga!"

Nagulat na lang ako dahil bigla niyang kinuha sa kamay ko yung papel. Hindi lang basta-basta kinuha. PADABOG niyang kinuha! Hindi ko alam kung naiinis siya kay Jin or SA AKIN? Pero bakit naman sa akin? Wala naman akong ginagawa ah. Kahit anong isipin ko, feeling ko talaga sa akin.

"Wala daw si Sir Poknat."

"YAHOO!!!"

Para na naman silang nanalo sa Lotto. Saka ngayon lang ba kami nawalan ng teacher. Pero mukhang kapag ganito sila kasaya, may ginawa na naman silang kalokohan. Actually, hindi naman talaga Sir Poknat pangalan ng teacher namin. Alam niyo naman itong Class 4-6, lahat na lang yata ng teacher meron silang nickname.

"ANGELITO!!! Napakagaling mo!!!"

"Ano kaya itsura nun ngayon?!"

Hala, ano naman kaya ginawa ng mga toh? Kawawa naman sigurado si Sir. Kasi naman, wala naman gagawin kalokohan itong mga ito kung walang dahilan. At nagsimula yan dahil sa 0.50 cents. Kahapon kasi nagbayad kami kay Sir ng P1.50. Eh nahuli magbayad si Mr. Kuripot Student Council Treasurer, na si Jack. May 0.50 cents pa siyang sukli, eh wala ng pangsukli si Sir. Sabi ni Sir, keep the change na lang. Syempre, hindi pumayag si Mr. Kuripot. Kaya hayan nagkagiyera.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Where stories live. Discover now