CHAPTER 45 (EDITED)

Start from the beginning
                                    

"Maasahan talaga kita, Angelito!"

"Tigil-tigilan niyo nga pagtawag sa akin ng Angelito!"

"Masyado lang kasi kaming natutuwa!"

"Hindi pa natatapos diyan."

"Talaga?!!!"

"Naglagay ako ng hidden camera sa faculty. Gusto niyo mapanood?"

"Oo naman!"

Hay naku, pagdating talaga sa kalokohan, ang bilis nitong Class 4-6 at lagi silang handa. At nagulat na lang ako dahil biglang sumulpot ang TV namin. Akala ko ba wala kaming TV? Everytime kasing nagtatanong yung teacher namin na iready yung TV para manood kami ng mga educational movies, wala naman silang nilalabas. Sira daw yung TV, minsan naman nananakaw daw yung TV. Kaya nga ilan beses ng nagbibigay ng TV tong school namin. Pero balewala pa rin.

>> HIDDEN CAMERA<<

DELIVERY MAN: Mr. So?

MR.SO: Yes? What can I do for you?

DELIVERY MAN: Andito na po yung pinadeliver niyong pizza.

MR.SO: Huh? Pizza? Pinadeliver ko?

DELIVERY MAN: Opo, Total amount po ng babayaran niyo, P10,000.

MR.SO: ANO?!!! P10,000?!!! Hindi ako nagpadeliver!

DELIVERY MAN: Ay sorry po. NO RETURN POLICY po. Kailangan niyo po bayaran yan.

Hala?!! P10,000?!!! Ilan pizza naman kaya un?! Grabe naman tong Class 4-6! Kawawa naman talaga si Sir. Pero there's someone that caught my attention. Syempre sino pa nga ba? Edi ang MR. PRESIDENT namin na palabas ng classroom. At ako naman, sinundan ko pa. Galing mo rin talaga Karissa.

"MARION!!!"

"Ano?"

Hindi man lang siya lumingon. At may pagkarude pa ang pagkasabi niya. Ano bang problema nito?!

"Saan ka pupunta?"

"Wala ka ng pakialam dun. And stop acting like you care."

Anong problema niya?! May ginawa na naman ba ako? Bakit ganito na lang siya sakin?! Parang feeling ko bumabalik ang ugali niya noon unang pagkikita namin. Hayan, iniwan na niya ko. Bumabalik na ba ulit un "walk-out king"?

"May nangyari na naman ba?"

Nagulat na lang ako dahil nasa tabi ko na si Nathan.

"Ah, wala."

"Sure ka?"

"Oo naman."

"Ok, halika na?"

He offered his hand, syempre tinanggap ko naman. Para naman mapafeel ko sa kanya na I'm OK.

Kahit HINDI.

Iniisip ko kung saan kaya pupunta si Marion? Hay, bahala na nga siya. Pumasok na lang kami ni Nathan sa classroom. At hayun, wiling-wili pa rin silang pinapanood si Mr. So. Para lang silang nanunuod ng Wow Mali.

"MARION!!!"

Nabigla naman ako agad sa pagsigaw nila. Kaya napatingin na rin ako sa TV na pinapanood nila.

"Si Mr. President talaga!"

"Kahit kailan talaga yun, panira ng moment."

"Sayang naman, paiyak na si Panot!"

Iyong hinahanap ko kanina, hayun nagbabayad na sa delivery man. Take Note: CASH PA!!! So it means, may P10,000 siya sa wallet!!

"Ok, classmates. Tapos na ang palabas."

"Awwwwwww..."

Pinatay na ni Nathan yung TV at tinabi na ito. At parang nalugi na naman ang mga mukha nila.

"Kahit kailan talaga, ang KJ niyong dalawa."

After ng nangyari nun, nagresign na si Mr. So. Hay, dahil lang sa P 0.50 may teacher na nagresign at may nasayang na P10,000! Ay hindi naman pala nasayang, dahil kinain ng buong Class 4-6 yung worth 10k na pizza. At kung tatanungin niyo naman ako kung ano nangyari sa amin ni Marion. Hayun, wala pa din. He is still RUDE at sa AKIN lang!!

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Where stories live. Discover now