CHAPTER 42 (EDITED)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nagustuhan niyo ba?"

"Sa amin na ito?"

"Sobra na kayo ah."

"Just kidding."

"So it means, diyan mo kami isasakay sa kotse mo?"

"Saan pa nga ba?"

"Pero—"

"Alam niyo? Ang dami niyong satsat. Sumakay na kaya kayo?"

Itinulak ko sila papasok ng kotse ko. Para hindi na rin sila makaangal or magtanong. Masyado lang talaga akong masaya dahil nakabalik na rin sila. After how many years, kasama ko na ulit sila. Kaya walang kokontra sa kasiyahan ko ngayon.

Pagkasakay na pagkasakay namin ng kotse, pinatakbo ko agad ang kotse ko. Medyo binilisan ko din ang pagpatakbo.

"Teka nga, Kuya Marion. May hinahabol ba tayo?"

"Wala naman. Bakit?"

"Bakit ang bilis mo magpatakbo?"

"Mabilis ba?"

"Honestly, oo kuya." Mukhang pati si Carmela, napansin na din na mabilis na ko magpatakbo.

"Sorry ah? Sa totoo lang, nagmamadali kasi ako."

"Bakit naman?"

"May babalikan pa kasi ako sa school."

"Babalikan? Bakit hindi na lang natin balikan ngayon?"

Nagsisimula na si Chloe magtanong. At hindi ito titigil hanggat hindi nalalaman ang totoo.

"Huwag na. Mas mabuti na lang, idadaan ko muna kayo sa G Hotel tapos bumaba na kayo doon then aalis na ko."

"Huh? Akala ko ba –"

"Don't worry, babalikan ko naman kayo doon. Habang hinihintay niyo ko, mag-ayos na kayo ng gamit niyo."

"What? Paghihintayin mo kami?"

"Hindi naman ganoon katagal iyon."

"Kuya Marion, alam mo naman na ayokong pinaghihintay ako. Lalo ka na!"

"Chloe, ngayon lang ito."

"Ano ba kasi yan babalikan mo?! At kailangan mo pang iwan kami at paghintayin?! Teka... Parang kilala ko na siya."

"Kilala mo na?"

"Don't tell me un classmate mong babae. KUYA MARION!! Bakit kailangan mo pa siyang balikan?!!"

"Chloe, lower your voice."

"Tinatanong kita kung bakit kailangan mo pa siyang balikan?!"

I don't know why, pero hindi ako makasagot kay Chloe ngayon.

"Teka, siya ba yung dahilan kung bakit ka na-aksidente?!"

"Hindi niya kasalanan yun!"

"Pinagtatanggol mo pa ngayon!"

"Chloe, hindi naman talaga niya kasalanan yun. Aksidente yun. Hayaan mo na si Kuya Marion."

"Can you just shut up?!"

"Chloe, wag kang ganyan sa kakambal mo!"

Iyan ang ayaw ko kay Chloe sa pagtrato niya sa kakambal niya.

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon