CHAPTER 41 (EDITED)

Začať od začiatku
                                    

"So dito na talaga sila magaaral?"

"Pero parang nakita ko na yung isang anak nung School President."

"She's one of the top models in America, Chloe Gotiangco." Pagpapakilala ni Nathan.

"Chloe Gotiangco?!! Ang swerte niyo naman, saya siguro kung magiging girlfriend ko yun?"

"Vince De Vera, hands off to her or else, mawawala yang gwapo mong mukha." Pagbabanta ni Marion kay Vince.

"Chill lang Bro, parang hindi na kita mabiro. Girlfriend mo siguro yun noh?"

"Can you just shut up?"

Bakit parang may kirot sa puso ko ng marinig ko ang tanong ni Vince?

"Pero balita ko diba may kakambal yun?"

"Oo nga pala? eh nasaan ang kakambal nun?"

"Yung kasama niya kanina."

"Bakit hindi sila magkamukha?"

"Bago maging model si Chloe, nagpaplastic surgery siya."

"Huh? Bakit naman?"

"Si Marion na makakasagot niyan."

"Ma—"

"I said, stop it."

Girlfriend?? Siguro nga. Hindi naman magiging over-protective itong si Marion kung hindi naman importante sa kanya yun. Akala ko ba wala siyang girlfriend? Wala na rin nakapagsalita pagkatapos niyon.

At dumaan ulit ang araw nito na magulo pa din ang class 4-6.

Sa wakas ang hinihintay ng lahat, DISMISSAL TIME!!

"Marion! Aalis ka na agad?"

"Ihahatid ko pa pauwi sina Chloe at Carmela."

"ANO?!"

"Bakit? May problema?"

"Tama na yan guys. Sige Pards, ihatid mo na sila. Sigurado akong madami kayong pagkkwentuhan."

"Sige, salamat Pards."

"Pakisabi na lang sa kanila, dadalaw na lang ako sa kanila some of this day."

"Sige, huwag mo lang patagalin. Parang hindi mo kilala yung dalawang yun."

Umalis na rin si Marion. Tama nga siguro yung kutob ko, isa nga doon sa dalawa ang girlfriend ni Marion. Obvious naman eh, bakit kailangan pa niya ihatid? Imposible namang, anak ng School President, walang sariling kotse?

Hay, bakit ganito na lang ba ko makareact? EXCUSE ME? Wala akong pakialam kung may girlfriend siya at kung nagsinungaling siya!

Napansin ko lang onti-onti na rin umaalis yung iba, Syempre ano pa nga ba ginagawa ko dito? Umuwi na rin diba? Lumabas na ko ng classroom, syempre, hindi naman ako un huling lumabas, naiwan pa sa classroom sina Nathan, Japs. At yung iba pa, guess what?! Nagtotong-its pa sila! Ayaw kasi umuwi ng iba hanggat hindi pa nila natatalo si Nathan, hay naku, hindi na sila nadala.

Habang pababa ako ng hagdanan, napatingin ako sa bintana kung saan matatanaw ko ang malawak na parking lot dito sa school. Pero kahit malawak yan, tanaw na tanaw ko ang kotse niya at ang magkapatid na Gotiangco.

"Ngayon ko lang nakita yung ganung ngiti ni Marion. Kitang-kita sa mukha niya ang kasiyahan. No need to ask him. Halatang napakaimportante nila kay Marion. Pero, ano ba itong nararamdaman ko?"

"Selos ang tawag diyan, Karissa."

Nagulat ako kasi nasa tabi ko na pala si Ciara.

"Nakakagulat ka naman Ciara. Kanina ka pa diyan?"

"Bakit ayaw mo aminin Karissa na nagseselos ka na?"

"Ano ba yan mga sinasabi mo, Ciara? Bakit naman ako magseselos?"

"Dati kasi ikaw ang nasa posisyon nila kaso ngayon, buong atensyon ni Marion, wala na sayo at iyon ay nasa kanila na."

"Hay naku, Ciara. Hindi ko talaga maintindihan sinasabi mo diyan."

Tignan mo itong si Ciara, kanina kung ano sinasabi sa akin. Ngayon, bigla-bigla na lang natulala. Ano naman kaya nakita nito?

"Hindi na talaga siya magbabago."

"Ciara, saan ka pupunta?"

Anong nangyari doon? Sino sinasabi niyang siya? Bigla-bigla nalang siya mangiiwan dito. Pero parang napansin ko biglang lumungkot un mukha niya. Ano ba yun nakita niya?

Teka, dapat pala nag-aayos na ko ng mga gamit ko pauwi. Nakalimutan ko tuloy sabihin kay Ciara na makikisabay sana ako pauwi. Hindi kasi ako masusundo ulit ni Manong.

"Karissa!"

"Oh Nathan? Anong ginagawa mo dito?"


"Pupuntahan ko kasi si Ms. Physic. Itong si Pards kasi nagmamadali umalis eh, nakalimutan na niya na may pinapakuha si Ms Physic. Excited umalis eh."

"Ganoon ba?" Karissa! Huwag ka ngang masyadong obvious na nalulungkot na naririnig mong excited si Marion.

"Ikaw? Pauwi ka na ba? Ang aga naman. Sali ka na muna samin sa tongits."

"Kailangan ko na umuwi habang maaga pa eh dahil magcommute ako. Wala kasi akong sundo ngayon."

"Ganoon ba? Edi, ihahatid na kita. Puntahan ko lang muna si Ms. Physic tapos hatid na kita."

"Naku, huwag na. Naglalaro pa kayo eh."

"Makakapaghintay naman sila. Tara na."

Hay,Angel Nathan, mabuti na lang andiyan 

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Where stories live. Discover now