This is unedited version, kaya makaka-encounter talaga kayo ng napakaraming wrong typos and wrong grammars, medyo maiksi din ang karamihang naunang chapters, at medyo hindi pa maayos ang spacing. Sabi nga nila diba, "Nobody writes perfect first draft". Kaya please po, 'hwag na sana 'yang maging issue haha. Okay, so this story was originally written by me, ang lahat ng pangyayari ay base lamang sa aking makulit na imahinasyon. IMAGINATION LANG LAHAT NG TAUHAN AT LUGAR PATI ANG PANGYAYARI. Completed story na rin, ngunit, subalit, datapwat haha kasalukuyan pa ding on-going at processing ang mga natitirang special chapters nito dahil ang inyong prinsesa ay masyado pang busy. So 'yun lang. So I added a prologue, kasi nung time na isinulat ko siya ay wala manlang akong iniligay na kahit anong introduction, kaya ito na!
Ps: I will not allow you to copy or reproduce this story. Or kung may gusto naman kayong quotes or dialogue, pwede niyo namang i-SHARE basta may credits (Title nitong kwento), pero syempre hanggang share lang! Remember, Plagiarism is a crime!
PS2: sa lahat ng nakabasa na nitong buong kwento, humihingi po ako ng favor huhu, sino ang expert dyan sa paggawa ng wattpad trailer? PM me po or kindly reply on the comment box. Magpapagawa sana ako. Pleaseeee po. Thanks!
So 'yun lang. Enjoy reading, I love you all, muapss! Thank you in advance!
.........
⭐Prologue⭐
=Pearl Beatrice Fajardo=
I am Pearl Beatrice Fajardo, A simple student. Oo, honor student ako. Isang high school student na nakikipagsapalaran sa larangan ng pag-aaral. Nalulungkot, natatakot at nahihirapan.
Nalulungkot, dahil sa pagiging honor student lang ako laging naka-focus. Hindi ako nakiki-join sa mga kaklase ko sa kung ano-anong lakad nila dahil mas inuuna ko ang pag-aaral ko. Madalas akong sinasabihan ng iba na 'KJ' daw ako, pero anong magagawa ko? Ayaw kong ma-disappoint ang pamilya ko. Natatakot ako, na baka sa isang iglap ay mawala ang lahat ng pinaghirapan ko.
Pero syempre naman, Nahihirapan din ako. Nasasawa sa ganitong set-up. Katulad ng pangkaraniwang studyante, nagsisikap din ako at nangangarap na magkaroon ng better future. Katulad nila, nagpupuyat din ako gabi-gabi, umiiyak at napapasuko sa mga task sa school, pero patuloy na lumalaban para sa kinabukasan ko.
Napatigil ako sa pagbabasa sa mga isinulat ko ng umihip ang malakas na hangin. Napapikit ako at masayang dinama ito.
Kasalukuyan akong nandito sa labas ng bahay namin at naka-upo sa damuhan habang pinagmamasdan ang mga bituin at buwan sa langit. Ansarap lang sa pakiramdam dahil ang sarap sarap at napaka-ganda ng simoy ng hangin lalo na at gabi ngayon, madilim ang paligid, pero puro liwanag lang ng buwan at bituin ang nakikita mo. Nakakawala ng stress.
"Mukhang maaliwalas ang mukha ng kapatid ko ah". Napatingin ako sa lalaking umupo sa tabi ko at umakbay sa akin.
" Oo kuya, mas maaliwalas pa sa mukha ng mahal mo". Panloloko ko sa kaniya.
"Luh! Walang damayan. Hwag mong idamay si Suzy dito". Nakangiting sabi niya. Asusss, kunwari pa ito, gusto naman talaga niyang pag-usapan si Ate Suzy e (Girlfriend ng kuya ko), pa-choosy lang.
KAMU SEDANG MEMBACA
MY ABNORMAL CAMPUS PRINCE (Part 1 and 2)#wattys2017
Fiksi RemajaPaano kung isang araw ay ma-meet mo ang hindi pangkaraniwang STUDYANTE? Ilang mga ABNORMAL NA LALAKI? Makakaya mo ba silang MAPAKISAMAHAN??? Kaya ba nilang mabago ang takbo ng iyong buhay??? Paano kung ang mga lalaking ito ay naging parte ng iyong n...
