Una: Naniniwala

4 0 0
                                    

Naniniwala ako na ang "True Love" ay isang malaking kalokohan o kahibangan.

Bagay na ginagawang big deal ng mga tao pero hindi naman, it's not like someone can't live without it.

Para siyang malaking playground, mahahanap mo yung paborito mong swing, slide, or monkey bar pero aalis at aalis ka pa din sa huli at ibang bata naman mag lalaro sa pwesto mo.

Yes, isa lang siyang napaka laking palaruan ng saya na may hangganan. Hindi walang hanggan, MAY hanggan.

Naniniwala ako sa unconditional love, yan yung binibigay mo sa pamilya mo kasi no choice ka. Sa mga kaibigan mo kasi andyan sila. Pero pag dating sa True Love, as in to opposite sex and more than friends tapos kala mo "you can't live without them", no.

Ever since I was a kid, naka tatak na sa kukote ko na kapag bata ka pa, don't expect na yung ka-relationship mo mag tatagal. It's just a big fat lie. Puppy love, couples, M.U, or kung ano ano pa yan. It will end.

Kahit ano pang pag-asa ilagay mo sa kukote mo, mag aaway at mag aaway kayo paulit ulit ulit ulit. Hanggang sa mag sawa kayo sa isa't-isa, hanggang sa makahanap na siya ng iba, hanggang sa mag hiwalay kayo. Kaya ang true love at a young age is a no go.

Nakaka tawa lang yung mga ka edad ko na kung makaarte akala mo mag asawa na at hindi daw nila kayang mabuhay without each other and never ever daw silang mag bebreak, but after ng ilang buwan makikita ko kung pano sila madurog, mag hiwalay, at makahanap ng bago. They must have meant stupid love instead of true love.

Then I believed na kapag tumanda na kayo at nag pakasal na kayo, that's it.

But then, over the years narealize ko na pati kasal at pagkakaroon ng pamilya, natatapos din.

Can't Find True LoveWhere stories live. Discover now