Chapter Nine: What a small world

Start from the beginning
                                        

Naupo ako sa likod katabi si Christian at sa harap naman sina Kevin at Jeric.

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Monique, Jeric?" tanong ni Christian.

So, Monique pala pangalan niya.

"Since college.. Eh kayo? Paano niyo nakilala ng girlfriend mo si Monique?"

Since college pa?

Tahimik lang akong nakiking sa pag-uusap nung dalawa, si Kevin naman busy sa pagda-drive, lagi naman ganyan yan si Kevin, parang may sariling mundo.

"Oh talaga? Matagal na pala kayong magkakilala eh! Bakit ngayon ko lang kayo nakita magkasama? Ka-workmate siya ni Jenika, actually, close sila kaya nakilala ko siya kay Jenika."

"Ahh.. Nawalan kasi kami ng communication after namin grumaduate nung college. Best friend ko 'yung ex niya and we're really good friends ni Monique since college."

Hindi ko alam kung bakit pero nakahinga ako nang malalim after ko malaman na good friends lang pala sila nung Monique, ang babaeng iyakin.

"Sinong ex? Yun ba 'yung Charlie?! Yung lalakeng--"

"Oo.." pagpuputol ni Jeric sa sasabihin ni Christian.

Yung lalakeng ano kaya 'yung sasabihin ni Christian?

Biglang humarap saken si Christian na siya namang ikinagulat ko.

"Siya sana 'yung irereto namin sayo ni Jenika, Luis!"

"Huh?" pagtataka ko.

"Naalala mo 'yung niyaya ka namin ni Jenika pumunta sa park na hindi ka nakapunta kasi mas pinili mo pang ihatid 'yung Cindy my loves mo sa airport! Tapos--"

"Oo na! Naaalala ko na! Wag mo na ipaalala pa ng buo!" Medyo nairita kasi ako eh nung naalala ko nanaman 'yung araw na 'yun.

Kahit naman malaman ko pa na siya 'yung ipapakilala nila saken ni Jenika, hindi pa rin ako pupunta nun sa park.

Mas mahalaga pa rin si Cindy saken.. nung araw na 'yun.

Akala ko kasi mababawi ko pa siya.

Akala ko kasi mapipigilan ko pa siya sa pag-alis niya.

Akala ko kasi pwede pa maging maayos ang lahat samen.

Akala ko lang pala 'yun..

At naalala ko, 'yun din pala 'yung gabing nakilala ko 'yung babaeng 'yun sa bar nung pinuntahan ako nila Christian.

"Kasama namin siya nun nung pinuntahan ka namin ni Jenika sa bar. Kaso umalis din siya agad dahil may masamang nangyari sakanya.."

"Anong nangyari kay Monique?!" biglang tanong naman ni Jeric.

"May mga manyak na nagsamantala sakanya!"

"Ano?!" gulat na gulat na tanong ni Jeric dahilan para mapaharap siya sa likod kung saan nandun si Christian at hinablot nito ang damit ni Christian.

"Wala naman nangyaring masama, MUNTIKAN LANG!"

"Kahit kailan talaga ang OA mo magkwento, Christian!" sabat naman ni Kevin.

"Oy wag ka makisali dyan! Mag-drive ka na lang. Di pa kasi ako tapos magkwento diba?" Bumalik na muli sa pwesto niya si Jeric. "Yung nasa harap ko 'yung OA mag-react eh. May gusto ka ba kay Monique, tol?" dugtong ni Christian.

Hinintay kong sumagot si Jeric pero nanahimik lang 'to at hindi pinansin 'yung tanong ni Christian.

**

Nakakapagod 'tong araw na 'to, masyadong maraming nangyari na nakakagulat.

What a small world.

Pero bakit kaya hindi sumagot si Jeric sa tanong ni Christian?

May gusto kaya siya dun sa Monique?

Umiling-iling ako.

Bakit ko ba iniisip 'yun?

Ano naman saken kung may gusto si Jeric dun sa Monique?

Eh, may ANGEL naman na ako..

Kaso bigla akong nalungkot.. naalala ko 'yung sinabi ni Angela.

"Okay. Here's the deal. Since we don't know each other naman personally, sasabihin ko sayo problems ko even the story of my lovelife.. since may alam na rin naman ako sa lovelife mo. But in exchange of this, hindi na tayo pwede magkita in person. Okay ba 'yun?"

Hindi na kami pwede magkita in person..

Nahiga na ako sa kama ko at nagpahinga.

Chineck ko 'yung cellphone ko kung may text na si Angela.

Nalungkot ako nang makita ko 'tong walang text ni-isa.

3AM na pala.

Baka tulog na siguro 'yun.

To: Angel

"I know you're already sleeping but still, I think you should know this, I MISS YOU, Angel.. Sana magtext ka na mamaya. Kung hindi, mangungulit ako ng mangungulit sayo. >:) I hope you have wonderful dreams tonight. :)"

Hindi ako nakatiis hindi itext ito bago ako matulog.

Alam kong kailan lang kami nakapag-usap at naging magkaibigan kahit sa text lang, pero ang weird nitong nararamdaman ko.

I feel comfortable when talking to her kahit sa text lang at minsan sa through calls.

She helped me forget about Cindy nang hindi niya nalalaman.

Somehow, binigyan niya ako ulit ng pag-asa.

I feel like, she's something special.

Naniniwala ako na balang araw, magkikita rin kami in person.

At hindi na ako makapaghintay pa mangyari 'yun.

It Started With A Wrong Phone CallWhere stories live. Discover now