"Oo! Best friend ko kaya yan si Nique! Paano kayo nagkakilala?"
"Pasok na muna ako sa loob. Maiwan ko na muna kayo." biglang singit ko sa pag-uusap nila sabay lakad papunta sa hotel.
"Nique!" sigaw ni Jenika. Hindi ko 'to nilingon kaya hinabol ako nito. "Gummybear, ingat kayo ha? Hindi na muna ako sasabay! Love you!"
Ang lakas talaga ng pakiramdam nito ni Jenika eh. Alam niya kasing may kasalanan siya.
"Uy Nique, galit ka ba? Ha? Sorry na! Mag-explain ako!" pangungulit nito saken habang hinahabol niya ako.
**
Point of View:
[Kean Luis]
Hindi ko alam sa tuwing makikita ko na lang 'yung babaeng 'yun, laging nasa panganib siya.
Hindi ko rin alam kung bakit sa tuwing makikita ko siya na nasa panganib, hindi ko maiwasang hindi siya tulungan at ilayo.
First time ko lang makakita ng babaeng umiyak sa harapan ko.
Kahit si Cindy kasi, never 'yun umiyak saken nung kami pa.
Hindi ko kasi kayang makita siyang umiiyak at nasasaktan kaya naman hindi ako gumagawa ng bagay na ikakasakit o ikakaiyak niya..
Kaya nung umiyak 'yung babaeng 'yun sa harap ko, hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin 'to.
Bahala na kung sasampalin niya ako, susuntukin o kung ano man pwede niyang magawa kapag niyakap ko siya.
Basta gusto ko siyang i-comfort kahit pag-isipan niya pa ako ng masama.
Nagulat ako ng wala 'tong naging reaction ng yakapin ko siya.. kaya nagbiro ako.
At dun pa siya nag-react sa pagbibiro ko kung baka ma-in love na siya saken.
Nakakatawa lang 'yung reaction niya, mag-walk out ba naman eh. Hindi man lang binalik 'yung panyo ko.
Hindi ko na naitanong pangalan niya. Ang hirap isingit sa pag-iyak niya eh.
Bigla kong naalala si Angela.
Ano kayang ginagawa nun ngayon?
Sinubukan ko siyang tawagan para kamustahin pero hindi niya sinasagot cellphone niya.
Baka busy lang..
Kaya tinext ko na lang 'to.
To: Angel
"Hi, best friend! :)"
**
Katatapos lang namin magligpit ng mga gamit namin.
Hinihintay na lang namin si Jeric dito sa parking lot sa harap ng hotel.
Nagulat na lang ako nang makita kong magkasama si Jeric at 'yung babaeng iyakin.
Magkakilala sila?
Paano?
Sila ba?
At kilala din pala siya nung girlfriend ni Christian.
O___O
Nagkatinginan kami pero agad itong umiwas ng tingin.
Nailang yata.
Gusto ko sana siyang kausapin, kakamustahin ko lang sana 'yung pakiramdam niya, kung okay na ba siya, kaso baka ano lang isipin nitong mga kaibigan ko..
na kaibigan din pala niya.
"Tara na!" aya ni Christian.
Sumakay na kaming apat sa loob ng sasakyan ni Kevin.
ČTEŠ
It Started With A Wrong Phone Call
TeenfikceAfter being dumped by her long term boyfriend and her first love, Angela Monique Garcia meets a guy named Kean Luis Dela Vega when he accidentally dialed a wrong number. He was crying and asking for her to come back and don't break up with him who h...
Chapter Nine: What a small world
Začít od začátku
