III - Perfect Crime

Start from the beginning
                                    

Iyon din ang dahilan kung bakit hindi siya naka-gawa ng lason para kay Nesta ngayong araw. Isang beses lamang niya iyon maaaring gawin dahil kailangan nito ng enerhiya mula sa kanya.

Napa-mulat ang isa niyang mata at nakita na may isang anino na pumasok sa loob ng bakuran nila. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo at tinignan ang lalaki. Naka-suot ito ng purong itim, balot na balot ang katawan nito. Ang mukha nito ay natatakpan ng itim na tela, nakabalot iyon sa buong ulo nito at mga mata lang ang kita.

Naningkit ang kanyang mga mata nang makita niya itong umakyat sa veranda sa ikalawang palapag. Walang kahirap-hirap itong pumasok sa loob ng bahay. Nakabukas ang pinto roon na para bang naghihintay rito. Mabilis na gumalaw si Addy. Bumaba siya patungong attic at dumiretso sa kanyang kwarto.

Mukhang gusto na namang makipaglaro sa kanya ni Nesta. Napangiti siya. Hindi talaga nadadala ang babaeng iyon. Mukhang alam na niya kung sino ang lalaki. Iisa lang naman ang kakampi nito sa buhay.

'Tita Nesta, siguradong matutuwa ka kapag nakita mo ang regalo ko para sa'yo. Hinding hindi mo ito makakalimutan.'

Nakabukas ang pinto ng kanyang kwarto nang lapitan niya iyon. May malikot na ilaw sa loob, isang flashlight. Natuon iyon sa kama niya kung saan niya tinakluban ng kumot ang malaking manika upang magpanggap na siya.

May kinuhang patalim mula sa likod ang lalaki. Unti-unti itong lumapit sa kama. Pinanood niyang mabuti kung paano ibagsak ni Edwin ang kutsilyo sa manika na natatakluban ng kumot. Dumilim ang mga mata ni Ariadne. Maingat siyang pumasok sa loob ng kwarto at lumapit sa kanyang vanity table. Mula roon ay may kinuha siyang isang bagay.

Napansin ni Edwin na hindi tao ang nasa ilalim ng kumot, isa iyong malambot na bagay. Kaagad na inalis nito ang takip at nakita ang isang malaking manika na kasing laki ni Addy.

"Hello po Tito Edwin, mukhang masyadong napa-gabi ang dalaw ninyo," bati ni Ariadne sa lalaki.

Gulat na napalingon si Edwin sa likod nito. Doon nito nakita ang batang si Addy na nakangiti sa kanya. Mula sa liwanag ng buwan, kitang kita niya ang katawan ng bata na nababalot ng puting bestida na pang-tulog. Tumingin siya mula ulo hanggang mga paa nito. Kamukhang kamukha nito si Cathlyn, ang Mama nito.

"Addy," tawag ni Edwin saka lumapit sa bata. May kakaibang kislap sa mga mata nito. Hindi nito mapigilan na maakit sa magandang bata. Hindi na rin nito pinansin kung paano siya nakilala nito. "Bakit hindi ka pa natutulog? Gusto mo bang tabihan kita?"

Dumilim nang husto ang mukha ni Ariadne. Mukhang mas madumi pa ito sa kapatid nito. Ang mga taong katulad nito, hindi niya kailanman hahayaan na mabuhay pa sa mundo.

Nang malapit na sa kanya si Edwin, inilabas niya ang kanyang hawak na hair spray. Kaagad niya itong itinapat sa mga mata ng lalaki.

"AAAAH!!!" sigaw ni Edwin at tinakpan ang mga mata.

Ini-spray ni Ariadne ang hawak na hair spray sa katawan ng lalaki. Kaagad siyang umatras at tumakbo sa kabilang dulo ng kwarto nang dambahin siya nito. Mula sa kinatatayuan ay tinignan niyang mabuti ang lalaki. Hindi niya ito hahayaan na mabuhay pa ng isa pang araw. Kailangan niya itong patayin ngayon!

"Hahahaha! Addy, ano'ng ginagawa mo?" nakangiting tanong ng lalaki. Saglit lang na sumakit ang mga mata nito. Mabuti nalang at kaagad nitong naipikit ang mga mata kanina. "Ayaw mo bang katabi si Tito? Gusto ko lang naman na mag-laro tayong dalawa. Matagal din tayong hindi nag-kita." Bigla itong tumakbo palapit sa bata.

Napuno ng galit si Ariadne. Kung buhay pa ngayon ang totoong Addy, siguradong napag-samantalahan na ito. Pero mabuti nalang at namaalam ito nang maaga. Dahil kung hindi ay siguradong mas malagim na katapusan pa ang dinanas nito.

A Taste of Poison [Under ABS-CBN Publishing]Where stories live. Discover now