III - Perfect Crime

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi siya kailanman nakaalis ng kaharian nila kaya naman wala siyang masyadong alam tungkol sa ibang kaharian bukod sa mga nakasulat sa libro. Ang buong mundo niya ay nakakulong lang sa kaharian ng Aestora. Iyon lang ang tanging lugar na alam niya.

Inilipat niya ang channel sa History Channel upang palawakin ang kanyang pag-aaral tungkol sa mundo niya ngayon. Kinuha niya ang tablet at ginamit iyon upang hanapin ang mga salitang hindi niya maintindihan.

Makaraan ang isang oras, natuklasan ni Ariadne ang isang nakamamanghang bagay. Ang mga aliens na nakatira sa ibang planeta! Gaano ba kalaki ang mundong napuntahan niya?!

***

"Sinabi ko na sa'yo, masyadong malaki ang hinihingi mo!" galit na sabi ni Nesta sa kausap sa telepono. Naisara niya nang mariin ang kamao at bumaon ang kanyang mga kuko sa palad niya.

"Nesta, kapatid mo ako. Pagdadamutan mo pa ba ako? Baka nakakalimutan mo na tinulungan kita kagabi na linisin ang kalat na ginawa mo."

"Tinatakot mo ba ako?!" hindi makapaniwalang tanong ni Nesta sa kapatid. Hindi siya makapaniwalang ginagawa ito sa kanya ngayon ng lalaki.

"Ipinapaalala ko lang naman. Hindi naman ganoon kalaki ang dalawang milyon na hinihingi ko. Hindi ba at barya lang 'yon sa bulsa ng asawa mo?"

"Edwin, binigyan na kita ng tatlong milyon noong nakaraang taon. Hwag mong sabihin na naubos mo na kaagad iyon?"

"Tsk! Hwag mo nang ipaalala! Lintek. Hayaan mo at kapag nanalo ako sa sugal, bibigyan kita ng porsyento."

"Edwin! Kailan ka ba titigil sa kakasugal mo?! Palagi ka namang natatalo!"

"P*ta naman, Nesta! Para kang si Rona, ang daming satsat! Iyon na nga lang ang nagpapasaya sa akin! Ano ba, magbibigay ka ba o hindi at nang matapos na 'to?"

Huminga nang malalim si Nesta. Pilit niyang pinapahaba ang pasensya. "Gagawa ako ng paraan."

Tumawa si Edwin. "Iyon naman pala e. Sige, maghihintay ako."

Napahawak sa noo si Nesta nang ibaba ang telepono. Sakit talaga sa ulo ang kapatid niya kahit noon pa. Pero ito lang ang nag-iisang tao na handang tumulong sa kanya kapag may kailangan siya. Ito rin ang tumulong sa kanya na dispatyahin ang dating asawa ni Allan. Kung hindi dahil sa tulong nito, wala siya ngayon sa bahay na ito ngayon.

Nakagat niya ang kanyang labi. Hindi maliit ang dalawang milyon. Kung maglalabas siya ng ganoong kalaking pera sa bangko, siguradong malalaman ni Allan. Ano ang isa-sagot niya kapag nag-tanong ito?

Biglang may isang ideya na pumasok sa isip niya. May mga naiwang alahas ang dating asawa ni Allan. Kung hindi siya nagkakamali, sa cabinet iyon ni Addy nakatago. Napangiti siya. Kung maagang mawawala ang bata, siguradong makukuha niya ang mga alahas. Kailangan na niyang madaliin ang kanyang plano.

Kinuha niya ang telepono at mabilis na tinawagan ang kapatid.

"Ang bilis naman, Nesta. Nakuha mo na ba ang hinihingi ko?"

"May alam akong paraan. Kung susunod ka sa ipapagawa ko, hindi lang dalawang milyon ang makukuha mo," nakangiting sabi niya.

Sa wakas ay matatapos na rin ang problema niya. Makukuha pa nilang dalawa ang mga gusto nila.

***

Nasa bubong si Addy katulad nang nakagawian niya tuwing gabi. Unti-unti siyang nakakakuha ng enerhiya mula sa buwan. Ngunit kung ikukumpara ito sa dati niyang kapangyarihan, masasabing isang hibla ng buhok lang niya ang katumbas ng enerhiya na nakukuha niya kada gabi.

A Taste of Poison [Under ABS-CBN Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon