Lightning and Air Power

3.3K 108 10
                                    


Maria Alliah's POV.

Two days na ang nakalipas mula nung pumunta kami ni Firen sa kingdom nila. Ang saya saya ko talaga ng time na yun. 

Nandito pala ako sa garden nagcutting ako eh atsaka ngayon lang naman. Dala dala ko yung nabili I mean ang binigay na wand at dalawang libro.

Tsk. Bakit ko nga ba to ibinigay saakin?? Aishh

Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng kaluskos. Inilagay ko sa bag ang wand at mga libro at iniwan ang bag sa tabi ng puno.

Sinundan ko ang pinanggalingan ng kaluskos at nakarating ako sa open area. Napakahangin ng lugar.

Ilang sandali lang ay nakita ko ang isang griffin na pinalilibutan ng kuryente o lightning ang katawan. 
Umungol ito at nagpakawala ng lightning balls na may kasama pang air balls.

Sigurado akong mahirap itong talunin kaya't nag-isip ako ng plano para talunin ito.                         

Nang makaisip ako ay  nagsimulako itong gawin. Gumawa ako ng air wings at lumipad pataas.  Sumunod ito saakin na inaasahan ko naman na gagawin niya kaya gumawa ako ng invisible air cage.  Lumipad ako pataas at sinundan naman niya ako kaya napasok siya trap ko.  

Pinaulanan ko ito ng napakaraming lightning at air balls. Narinig ko ang napakalakas na ungol nito. Bumaba ako sa lupa at ilang sandali lang ay nasa harap ko ang isang maamong griffin.

Ilang sandali lang ay sumakit ang ulo ko at may naririnig akong boses

"Kidlat na tumatama
Na parang nilikha
Nang isang di kilalang diwata.
Hangin na di matagpuan
Di makita ng sinuman.
Tinig madidinig
Nakatagong lihim
Malapit ng mabunyi.
Paghandaan at patatagin
Ang iyong munting damdamin.
Ako'y iyong pangalanan at tawagin kung kailangan"

Bago pa ako mawalan ng malay ay nagbigkas muna ako ng isang salita.

"Lieo" huli kong sambit bago tuluyang mawalan ng malay.

*************

Other update ko. Enjoy reading everyone!  Paensya na talaga sa matagalang pag-Uud. Busy na busy po talaga ako.

SAna maintindihan niyo

The Legendary Princess 2: Her Comeback (Slow Update)Where stories live. Discover now