Their Moment 2: The Fiur Kingdom

3.2K 113 7
                                    


Maria Alliah's POV.

Ilang sandali ng paglalakad namin ay nakarating kami sa isang garden na may fountain sa gitna.

Ang ganda ng fountain. Yung tubig kasi na lumalabas ay kulay red tapos sa ibabaw ng fountain ay may lumulutang na red crystal.

"Wow!" Nasabi ko sa sobrang pagkamangha.

"Bakit may ganyan? Tanong ko kay Firen habang nakaturo sa fountain.

"Yung pulang tubig ay nagsisimbolo sa buhay ng kaharian. Nakikita mo ba ang gemstone na yan, yan ang centro ng kaharian namin. Kung mawala o maalis yan diyan ay maaaring gumuho ang kaharian. Yung red water naman, kapag unti unti itong mawawala, ibig sabihin nun na nasa panganib ang kaharian" mahabang paliwanag niya.

Mabuti naman at nag-eexplain siya noh? Tsk.

"Mayroon din bang ganyan ang ibang kaharian?" Tanong ko

He nods as an answer.

"Let's go somewhere" sabi niya at hinila ang kamay ko papunta sa kung saan.

Ilang sandali lang ay tumigil na kami at binitawan na niya ang kamay ko at nandito pala kami sa bayan ng kingdom nila. Grabe, ang daming tao!!!

May nakita akong stalls na puro matatamis na pagkain. Tumakbo ako papunta doon at hindi pinakinggan ang tawag ni Firen.

Pagkapasok ko palang ay naamoy ko na ang amoy chocolate. Hmmm.

"Magandang umaga iha. Gusto mo bang kumain?" Tanong ng isang babae saakin. Nakaupo pala ako ngayon sa isa sa mga table.

Sige sige!!!! Pero....

"Wala po akong dalang pera eh" napakamot nalang ako sa batok

"Hindi mo ba alam na libre lahat ng paninda ngayon dito sa kaharian?" Namamanghang tanong niya

"Hindi po. Ano po bang meron?" Tanong ko

"Flame Festival ngayon iha kaya't lahat ay nagsasaya at libre lahat ng bilihin" paliwanag niya

"Ahh" nasabi ko nalang

"So anong kakainin mo?" Tanong niya

Kinuha ko yung menu at tiningnan.

"Hmmm, 2 baso ng chocolate ice cream, 2 slice ng chocolate cake, 4 na chocolate bar at dalawang chocolate shake" sabi ko

Ngumiti lang ang babae atsaka umalis. Grabe!! Timing na timing ang pagdala saakin ni Firen dito.

"Tsk. Nandito ka lang pala" sabi ni Firen na kakapasok lang at umupo sa tabi ko

Nginitian ko lang siya at dumating naman ang pina-oorder ko.

Nagsimula na akong kumain at binalewala ko muna si Firen. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na nakatitig si Firen saakin kaya't napatigil ako sa pagkain at tiningnan siya.

"Bakit?" Tanong ko

Napa-tsk naman siya at kumuha ng table napkin at unti unting lumapit saakin. Ilang inches nalang ang layo ng mukha namin ng pinunasan niya ang gilid ng labi ko.

"Ang dumi mo talaga kumain" sabi niya habang patuloy na pinupunasan ang bibig ko.

Nahihiya tuloy ako.

Tsk.

Lumayo naman siya at pinagmasdan akong muli.

"Ayaw mo bang kumain?" Tanong ko sakanya

"Makita lang kita busog na ako"

***********************

Cut!!!!!!

Bitin pa more Author....

Hahahaha.

Walang forever!!!

Enjoy Reading Everyone!!!!

#authorisbitter

Matatagalan na naman po ang UD ko. I hope na maintindihan niyo.

The Legendary Princess 2: Her Comeback (Slow Update)Where stories live. Discover now