Her past

3.1K 103 0
                                    


Maria Alliah's POV.

Nandito ako ngayon sa classroom, naglelecture kasi yung teacher. Napatingin ako kay Axel. Aba! Parang blooming ang isang to ah.

Tsk. Napatingin ako sa guro ng bigla itong nagsalita.

"Class dismiss!" sabi niya

Nagsilabasan ang mga kaklase ko maliban saakin, kay Axel at sila Firen. Nang wala ng nagsisiksikan ay tumayo na kami ni Axel. Lalakad na sama kami palabas ng tinawag kami ni Lovely.

"Alliah! Axel!" tawag niya na ikinalingon namin.

"Bakit?" sabay na tanong namin ni Axel

"Ahm, gusto niyo bang sabay nalang tayong kumain. Doon tayo sa garden tutal nagpaorder naman kami ng makakain sa canteen" sabi niya na parang nahihiya.

Anyare? Bakit nahihiya siya? Kanino?

"A-hh sige" sagot ko nalang na sinang-ayunan ni Axel.

Naglakad kami at nangunguna si Allan. Kasunod niya si Marina na katabi si Flame at katabi naman ni Flame si Nate na katabi naman ni Ayra.

Kasunod nila si Rose na katabi ni Frost at  katabi naman ni Frost si Ice na katabi si Marnelyn. Kasunod nila si Ayra na katabi ni Axel at katabi naman ni Axel si Nathan na katabi si Erica.

At nasa huli naman kami ni Firen. Ang tahimik namin. Tanging tunog ng mga sapatos lang ang naririnig sa hallway. Wala kasing mga estudyante. Nasa cafeteria siguro since lunch break namin ngayon.

Ilang sandali lang ay nakarating kami sa  garden. Anong tawag kaya dito? Ngayon ko lang to napuntahan ah.

Lumapit kami sa isang puno at wow! Tree house pala. Ang ganda!! May hagdan siya papunta sa mismong taas ng puno kung nasaan ang maliit na bahay.

Umakyat kami at ilang sandali lang ay nakarating kami at ang ganda. May upuan doon at gawa ito sa kawayan pati nga sahig gawa sa kawayan. May terrace pa. Ang ganda talaga.

Ilang sandali lang ay may dumating na dalawang lalaki na may dala dalang mga pagkain. Siguro ito ang mga inoder nila.

"Kainan na!!!" sabi ni Nate na ikinatawa namin.

Nagsimula kaming kumain at the same time ay nagkwentuhan.

"Nga pala Axel, paano kayo nagkakilala ni Alliah?" biglang tanong ni Ayra kay Axel.

Napatingin saakin si Axel at nginitian ko siya.

"Uhm, nasa bahay lang ako nun kasama sila mama, papa at ang nag-iisa kung kapatid. Lumabas ako nun para magpahangin pero hindi ko namalayan na medyo malayo layo na ako sa bahay. Uuwi na sana ako nun ng may makita akong paa. Sinundan ko ito at nakita ko siyang nakahandusay. Wala naman siyang sugat o kung ano. So dinala ko siya sa bahay namin.
Tapos ginamot siya ni mama. Ilang araw bago siya magising, tinanong namin kung taga-saan siya pero wala daw siyang maalala. Mga 1 year after the war ko siya natagpuan" mahabang paliwanag ni Axel.

"Ay sorry, nagtanung pa ako. Nacurios kasi ako eh." sabi ni Ayra

"It's okay. You can ask anything" sabi ko.

"Paano mo nakuha ang pangalan mo?" tanong ni Lovely.

"One time, sinama ako ni Axel sa Bayan. May nakita akong poster don may nakalagay na Maria's Beauty Salon. Tapos may nakita din akong Alliah's Flower. At sa Desavedra naman ay nakita ko lang sa  isang subdivision. Nagustuhan ko ang tatlo kaya ganun ang naging pangalan ko. Maria Alliah Desavedra" paliwanag ko.

Totoo yun. Gawa gawa lang ang pangalan ko.

"Hahaha, grabe naman! Hanep!" sabi ng mga lalaki maliban kay firen.

So that's my story..... Well, let see what will gonna happen.

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Grabe! Kalog utak ko. Nagreview pa kasi kami para sa Math Quiz. Hayy.

Pls. Vote and comment.

If you have a question, just comment and I will answer it.

Enjoy reading everyone.

The Legendary Princess 2: Her Comeback (Slow Update)Where stories live. Discover now