Nympha

3.1K 118 0
                                    

Maria Alliah's POV.

Hindi ko alam kung nasaan ako. Basta't ang alam ko lang ay nananaginip ako.

May nakita akong babae ngunit di ko siya kilala. Blurr lahat ng nakikita ko pati paligid atsaka wala akong marinig.

May lumapit sakanyang dalaga. Siguro anak niya o ewan.

Biglang umikot ang lugar hanggang sa nagbago ang paligid. May babae naman na nakahiga sa kama at may kasama siyang lalaki na nakaupo sa gilid niya.

Bumukas ang pinto at pumasok doon ang tatlong babae.

Muling nag iba ang settings. Madami na sila ngayon. Tinuturuan mg iba ang mga babae sa paggamit ng kapangyarihan.

Nagbago ulit ang paligid. Digmaan siguro sapagkat may nakikita akong naglalaban.

Nagbago ulit ang paligid hanggang sa puro itim nalang ang nakikita ko.
Anong nangyayari?

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari bastat alam ko lang ay umilaw ng pagkalakas lakas at....

Napabangon ako bigla mula sa higaan ko. Teka? Ano yung panaginip ko? Anong nangyari?
Inalala ko ang lahat hanggang sa paglalakad ko, yung pakikipag-away sa lobo, hanggang sa nawalan ako ng malay.

Napabuntong hininga nalang ako. Naalala ko bigla yung sinabi ng lobo.

"Ika'y nakapasa.
Ako'y magiging iyo na.
Tubig.
Tubig na naglalagaslas, nagbibigay ginhawa.
Tubig na kalmado, na sasakupin ang iyong puso.
Ala-alang nawala, magbabalik na.
Ngunit may pagsubok na kakaharapin.
Tubig na nagpaparamdam, ang dahilan ng pagbabalik na lahat.

Ako'y iyong pangalanan at tawagin kung kailangan"

Ibig sabihin ay pag-aari ko na siya? Atsaka bakit ko nakokontrol ang tubig?

Naalala ko yung pangalan na ibinigay ko sakanya

"Nympha" maikling sabi ko.

Ilang sandali lang ay umilaw ang nasa harapan ko hanggang sa sumulpot amg isang lobo sa harap ko.

"Kumusta ka na Alliah?" maikling tanong niya gamit ang isip

"Ayos lang" maikling sagot ko.

"Alam kung naguguluhan ka. Wag kang mag-alala,sasagutin ko lahat ng katanungan mo" sabi niya

"Talaga? Sasagutin mo?" tanong ko.

Tumango naman siya na parang naiintindihan ako.

"Bakit ko nakokontrol ang tubig? Anong klaseng lobo ka? Saan ka magmula? Atsaka ano ang ibig mong sabihin sa mga katagang sinabi mo bago ako nawalan ng malay?" sunod sunod na tanong ko sakanya.

"Alliah, hindi ka ordinaryong fantasian. ESpecial ka. Hindi lang tubig at hangin ang elementong nakokontrol mo, marami pa. Ngayon ay lumabas na ang iyong tubig na kapangyarihan. Unti unting babalik ang iyong ala ala kasabay ng paglabas ng lahat ng kapanyarihan mo. At ako ay tinatawag na water wolf. Hindi ako ordinaryo. Tinatawag din akong water guardian. Nagmula ako sa tubig. At ang lahat ng sinabi ko ay totoo. Ako ay magiging iyo mula ng bigyan mo ako ng pangalan."  paliwanag niya

Ako? Especial?

"Nagmula ka sa tubig? Paano? Atsaka ako? Especial?" naguguluhang tanong ko.

"Oo, nagmula ako sa tubig? Hindi ako mabubuo kung walang tubig. Bale ako yung water guardian pet ni Goddess Erine."  paliwanag niya

"Sino naman si Goddess Erine?" nagtataka kung tanong sakanya.

"Ang goddess of water, ice and snow." maikling sagot niya

"Ang tandaan mo lang ay isa kang especial na fantasian. Kayanin mo lahat ng pagsubok na darating sa buhay mo. Magbabalik din sa dati ang lahat at makakaalala kang muli" tugon ni nympha bago siya nawala.

Naguguluhan pa talaga ako? Hayyy. Yaan na nga. Makakaalala naman daw akong muli eh.

^^^^^^^^^^^^^°^^^^^^^^^

Ano kaya ang susunod na mangyayari???

The Legendary Princess 2: Her Comeback (Slow Update)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz