Earth and Nature Power

2.9K 110 3
                                    


Maria Alliah's POV.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Kagigising ko lang. Napagod kasi ako sa labanan.

Pumunta ako sa kusina at kumain. Gutom na si ako eh. Pagkatapos ay lumabas ako at naglakad lakad. Naka-uniform pa rin ako.

Ilang minuto lang ay namalayan ko na nasa harap ako ng kagubatan.

Ano kaya ang nasa loob niyan?? Parte pa naman siguro to ng academy eh??
Pumasok ako sa loob at naramdaman ko ang napakalamig na simoy ng hangin. Wow! Nakakagaan ng pakiramdam.

Ipinikit ko ang mata ko at dinaramdam ang hangin hanggang sa nakarinig ako ng tunog. Parang lion.

Ibinuka ko ang mata ko at nakita ko ang isang lion na may nakakatakot na itsura. Umungol ito kasabay ng pag-uga ng paligid.

Kumapit ako sa puno upang di matumba. Nagpakawala ito ng earth balls patungo sa direksyon ko. Inangat ko naman ang kamay ko at nagulat ako ng may earth wall nasa harapan ko.

Naibaba ko ang kamay ko sa gulat. Kasabay nang pagbaba ko ng kamay ko ay nawala din ang earth wall. Pero nagulat ako ng may paparating na earth ball at natamaan ako sa tiyan.

Napatilapon ako sa puno ng matamaan ako nito. Unti unti akong tumayo kahit na masakit ang tiyan ko.

Nakita ko ang lion na papalapit saakin. Kahit nagtataka ay nagpakawala ako ng earth balls patungo sa kanya.

Gumawa naman siya ng earth wall para masangga ang atake ko. Gumawa ako ng sand storm sa lugar ng lion.

Ilang sandali lang ay pinawala ko ito at  nakita ko ang lion ngunit maamo na ang mukha nito.

Ilang sandali lang ay biglang sumakit ang ulo ko. Nakikita ko naman ang mga imahe. Malinaw na ang paligid ngunit wala akong marinig at blurr pa rin ang mukha ng tao.

Teka? Parang pamilyar ang mga lugar...
Bago ko pa maisip kung anong lugar ito ay may narinig akong tinig.

"Lupa at kalikasan
Nagbibigay kalakasan.
Lupa para sa paghupa.
Kalikasan para sa pangkalahatan.
Mga ala-alang unti unting bumabalik.
Mga saya ay ipanumbalik.
Ako'y iyong pangalanan at tawagin kung kailangan" rinig kung tinig.

Dahil sa sakit ng ulo ko ay naramdaman ko ang unti unting pagbagsak ko. Ngunit bago iyon ay nagbanggit muna ako ng salita.

"Earo" bigkas ko bago magdilim ang lahat.

€€€¥¥€€¥¥¥€€€€©©©€€€€

Hello po!!!!!!

Sorry kung pangit.... Sorry sa typos at mga grammatical errors.

Maraming salamat din sa lahat ng nagbasa, nag vote at nagcomment. I really appreciate it.

Yung mga tula dyan gawa gawa ko lang kaya pagpasensyahan.

✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌

The Legendary Princess 2: Her Comeback (Slow Update)Where stories live. Discover now