Chapter 14 [Edited]

Start from the beginning
                                    

Hinarap ko si Michael at tinanong kung anong nangyari, "He punched me, gumanti lang ako. Maayos din ito." He said reassuringly.

Hindi ko alam kung anong problema ni Aesser. Few days ago, tumawag siya sakin ng lasing at sinabing mag-ingat daw ako kay Michael, he also told me not to trust him. Nung tanungin ko naman siya kung bakit ay pinutol na niya ang linya. Kinabukasan non ay kinausap ko siya tungkol sa pagtawag niya pero ang sabi naman niya sakin ay wala siyang natatandaang tumawag siya sakin.

I'm not doubting Michael, I'm just curious kung bakit siya sasabihan ng ganon ni Aesser. Lumabas ako ng locker room at sinubukang kausapin muli si Aesser pero hindi niya ako pinapansin, kaya naman bumalik na lang ako sa Mainro.

Pumunta ako sa gym at doon ay wala na ang iba kong players, marahil ay pumasok na iyon sa klase nila. Ang naabutan ko na lang doon ay si Shanna na nakikipag-usap sa isang lalaki.

"Shanna." Tawag ko dito at sabay silang tumingin ng lalaking kasama niya.

May hawak silang parehas na mallow lollipop at nakasapak pa ito sa bibig nila. God, ang cute nilang dalawa. Tumikhim ako at tinanong kung sino ang kasama niya.

"Trevy, best friend ko." Nakangiting saad niya at inakbayan pa yung lalaki.

"Bryan Trevor Kim po ang pangalan ko! Shany, don't call me Trevy." At saka ito nag-pout.

"A-alam ba ni Daniel na kasama mo iyan?" Nauutal kong tanong sakanya, hindi ko mapigilang matawa sakanila. They're a perfect match, parang lalaking version ni Shanna si Trevor.

"Eh?" Namilog lang ang mata nito at inosenteng kumurap kurap sakin.

Napasapo na lang ako sa noo at tinalikuran silang dalawa. Is she still not aware that Daniel likes her? Bakit ang bulag ng tao kapag nandiyan na yung bagay na gusto nila? Denial creatures.

Umalis na lang ako ng gym at pumasok sa klase ko ngayon, nagtinginan silang lahat sa bigla kong pagpasok sa classroom, nakatayo sa harap ang professor at nasa harap din si Bricx na may hawak na whiteboard marker.

"First time seeing a Goddess? Go on, continue." Nilampasan ko yung professor at naupo sa harapan, nakakunot ang noo ni Bricx na tumingin sakin, nagkibit balikat lang ako sakanya at sinenyasan siyang ipagpatuloy ang ginagawa niya. Tumango naman ito at nag-sulat na sa board.

He's doing differential calculus. Nangalumbaba ako at nakangising pinapanood siya, hinihintay kong magkamali siya pero natapos na niya ang tatlong problem ay wala naman akong nakitang mali niya. I always knew he's smart.

Nang matapos siya ay tumabi siya sakin. "Mr. Villazanta, go to your proper seat." Saad ng professor niya at tinuro ang upuan sa dulo.

"Just this time, Ma'am." Pakiusap ni Bricx at matamis na ngumiti sa babaeng professor, namula ito at nag-iwas ng tingin. Binalik niya ang tingin dito pero bago iyon ay nasalubong niya ang tingin ko, sumandal ako at nginitian siya, klase ng ngiti na hindi mo magugustuhan. Nag-iwas ito ng tingin at nagpaliwanag na lamang sa harapan.

Tahimik na nakinig kami ni Bricx unlike the other student na walang ginawa kundi ang maghagikgikan sa likod namin o hindi kaya ay magpaganda ng magpaganda. Narinig ko ang unti unti nilang pagtahimik ng sumandal ako sa balikat ni Bricx.

Natapos na ang klase at lunch break na nila, tumayo ako at humarap sa mga babaeng humahagikgik kanina, matamis na nginitian ko sila at inirapan.

"Stop drooling over my fiance." Mapagbantang saad ko sakanila at umalis na.

Hindi ko na hinintay pa si Bricx at dumiretso ako sa parking lot. Narinig ko ang pagtawag niya sakin pero hindi ko ito pinansin, nakayukong mabilis na naglakad ako, kasing bilis ng pintig ng dibdib ko. Lahat na lang ba ng gagawin kong may kinalaman si Saebricx ay ganito ang magiging reaksyon ng katawan ko?

Nang makarating ako sa parking lot ay hinihingal na naupo ako sa motor ko, nakahawak ako sa dibdib ko at pinapakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Siguro dahil sa pagod at sa tanga'ng allergy attack ko. I've never been like this before, not with Aesser, not with anyone else. Kay Saebricx lang.

"There you are. Pinagod mo ako," Medyo hingal na saad nito at lumapit sakin. Hindi ko siya pinansin at sumakay sa motor ko, I need to get out of here. I need to stay away from this man in front of.

"Really? After you made me come after you, aalis ka?" Nakakunot na singhal niya at hinawakan ako sa braso.

"Wala kang pakielam." Malamig kong utas at susuotin na ang helmet ko pero inagaw niya ito sakin. "Bakit ba?" Sigaw ko sakanya at bumaba ako ng motor upang bawiin ang helmet ko.

"What did you do earlier?" Tanong niya at itinaas ang helmet ko sa ere, tinitigan niya ako sa mata kaya naman tumigil ako sa paghablot dito at nag-iwas ng tingin. "Are you jealous?"

Tinignan ko siya ng masama at pinilit ulit hablutin ang helmet ko, but he's taller than me kaya naman sumuko na din ako, "I hate it, I hate it when someone's giggling or drooling over you. I hate all of them. Don't they know that you're mine?" Nakapamewang na saad ko at masamang tinignan siya. May mga naglalarong emosyon sa mata niya na hindi ko maintindihan, ngunit ilang Segundo lang ay nawala din iyon at napalitan ng malamig na tingin.

Ibinalik niya sakin ang helmet ko at umatras palayo sakin at para akong tinapunan ng malamig na tubig sa sunod niyang sinabi. "No one owns me, Trixie. Not even you." Then he walked away.

Basketball Love Affair 1: Foul PlayWhere stories live. Discover now