CHAPTER 1

25 4 0
                                    


RENEA'S POV

"Ahh!" sigaw ko at bigla akong napabangon sa aking kama.

Tss! Nahulog pa 'ko. Ang panget ng panaginip ko. Kainis!

"Anong araw ba ngayon? Hmmm..." sabay tingin ko sa aking cellphone.

Ah Friday pa lang pala. Wait what?! FRIDAY PA LANG! Akala ko sabado na!
"Arggh! Bwiset naman oh! Tinanghali na naman ako ng gising!" sabay baba ko sa aking kama upang mag-ayos na sa'king pagpasok.

"Faith! Papasok na 'ko ah, Male-late na ko eh, 1:30 simula ng first subject ko eh anong oras na!! Juskoooo!!" pahabol kong sabi sa kanya, 'di ko na hinintay kung may sasabihin pa ba siya o wala, late na 'ko eh. Dali-dali akong umalis sa dorm, sasakay na lang ako ng taxi para mas mabilis akong makarating. Late na talaga ako!

-AT HOLY EMPIRE WARRIORS ACADEMY (HEWA)-

"Hay sa wakas 8 na! Grabe ang dilim na sa labas!" sabi sa'kin ng bestfriend kong si Sophia.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Hayyy. Sobrang dilim na nga, malamang alas-otso na ng gabi. Nakakatakot pa naman umuwi mag-isa. Di ko kasi kasabay si Faith eh, wala silang klase ngayon.

"Hoy MS. RENEA MARGARETTE RAMIREZ! Tumutulala ka na naman diyan! Oyy tara na uwi na tayo, ayokong gabihin ng todo."

"Oo eto na po nay, magliligpit na nga po ng gamit oh."

Pagkatapos kong ipasok ang lahat ng mga gamit ko'y lumabas na kaming dalawa.

"Bye na Renea friend! Sabi mo maglalakad ka kaya sasakay na 'ko ha, ingat ka sa pag-uwi." Sabay yakap niya sakin.

"Sige na Sophia, ingat ka rin ba-bye!."

Sumakay na siya ng jeep. Kumaway siya sa'kin ng may mga ngiti sa kaniyang labi at ganuon din naman ako sa kanya. Maglalakad na lang ako pauwi, tutal pwede naman talagang lakarin pauwi sa dorm.

"AHHHH!" Sh*t. Ano ba yun? T-Teka. Hindi naman ako tanga para di malaman yon. Mga ungol. Ungol ng isang babae at lalaki!

-

SIDEON BROTHERS: WHO'S THE KILLER?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora