"Pooooooootaaaaaaraykomasakit!" Hindi pa dumadapo yung baseball bat, sumigaw na agad siya.

"Aray! Masakit! Tama na!"

"Hector?" Tinignan ko yung hawak kong bat na hindi pa dumadapo sa kanya. Ang OA.

"Yes bebe--oo na! Bitawan mo na yan! Masisira yung lahi ko kapag namatay ako sa murang edad! Papakainin ko pa yung mga kapatid ko na naghihintay sa akin at ako nalang ang pag-asa ng pamilya ko! Maawa ka naman sa akin, hindi ko pa kayang mawala sa mundong ibabaw. Isa pa, maraming babae ang magluluksa sa kagwapuhan kong taglay pero sorry nalang sila dahil loyal ako sa pinakamamahal ko na walang iba kundi si icoo--aray!" Hinampas ko siya ng mahina at binigyan ng masamang tingin.

"Alam mo ba kung gaano ako kinabahan dahil akala ko kung sinong hinayupak na naman ang pumasok?"

"Ang ibig mong sabihin, hinayupak na gwap--okay tama na! Bebe naman!"

"Bakit ka ba nandito?"

"Ouch." Napahawak siya sa dibdib niya. "Wala ba akong good morning kiss--woah! Joke lang! Papatayin ako ni Luc! Chill, bebe, chill." Kinuha niya yung mansanas sa ibabaw ng lamesa at kinagatan. "Teka lang nagugutom ako."

Pagkatapos niyang kumain, nag burp siya nang napakalakas saka ngumiti sa akin. "Babantayan kita baby, alam mo naman yang asawa mo." Tumaas baba yung kilay niya at sunod namang isinubo yung grapes. "Pasalamat ka hindi ko inagaw yun sayo."

"Ano?!"

"Selos ka no? Mahal mo?" Hindi ko alam kung nang iinis ba siya o ano pero napatahimik ako sa tanong niya.

"Ewan ko sa'yo, bakla." May nakita akong kakaibang ngisi sa mga labi niya saka siya nag hagis ng isang grapes sa ere at saka ito sinalo gamit ang bibig niya. "Mahal mo."

"Ha?"

"Wala." Narinig ko yung sinabi niya pero hindi ko maiwasang mamula. Ganun na ba ako kahalata?

Nakita kong may dinukot siya sa kanyang bulsa at ibinigay sa akin.

"Icool?"

****

My hands are so cold. Quarter to seven na at nakahanda na ako. Hindi ko naman alam kung saan niya ako dadalhin kaya nagsuot nalang ako ng komportableng damit. Napatingin ako sa gate mula sa bintana dahil narinig ko yung tunog ng kotse ni Luc.

7:00 P.M.

Dala-dala yung bag kung nasaan yung mga damit ko, pumunta ako sa baba.

"Luc." Napatigil ako saglit at mahinang napamura. Why does he always look so good? Nakatayo siya sa may pinto habang nilalaro yung car keys sa kamay niya. Napatingin siya sa gawi ko kaya ngumiti ako.

"Hi." Lumapit siya sa akin at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hanggang ngayon kasi naglalaro pa sa utak ko yung nangyari sa comfort room kahapon.

"Hey."

Hinga, Gemma, hinga.

"Saan tayo pupunta?" Nagtaka ako nung hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin na parang may hinihintay.

"Luc?" He's frowning. "May problema ba?" Pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Teka ano bang meron? Naguguluhan ako.

"You're forgeting something, kitten." He called me kitten! Bahagyang nanlaki yung mata ko pero ano daw yung nakalimutan ko? Sa pagkakatanda ko wala naman.

Tinignan ko yung laman ng pouch ko. Wala talaga akong nakalimutan.

Nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan yung baba ko at hinalikan ako sa labi. Sumunod naman niyang hinawakan yung leeg ko para mas diinan yung labi niya sa akin. Otomatiko akong napapikit at ipinulupot ko yung mga kamay ko sa leeg niya.

Married to UnknownWhere stories live. Discover now