3

98.3K 1.4K 84
                                    

Bangag at walang lakas ang katawan ni Ally. Apat na araw na siyang walang maayos na tulog dahil sa nangyari at dahil na rin sa mga tambak na paperwork sa school. Mukha na siyang zombie dahil kulang na kulang ang pahinga niya. Palagi na lang siyang pagod.

"Ate Ally, mukhang wala kayo sa mood." Nakawala sa malalim na pag-iisip si Ally ng tusukin ng batang si Janah ang pisngi niya.

"I'm just tired little doll." Ngumiti si Ally sa bata at hinaplos ang pisngi nito. Ito ang unang araw niya bilang tutor ng batang si Janah, nag simula na kasi ang pasukan nito noong nag isang araw.

"I think I should tell Mommy na papauwiin kana, I don't have assignments naman eh." Napangiti si Ally, mabait talaga ang bata.

"Tara na po, baba na po tayo." Hinatak pa ng bata ang laylayan ng damit ni Ally kaya tumayo na siya at sumunod na sa bata pababa.

"Oh? Tapos na kayo?" Tumango si Ally sa Mommy ng bata.

"She's not feeling well,Mom." Malungkot na sabi ng bata at kumandong sa ina nito.

"Sorry po, una na po ako, bukas na lang po ulit." Ngumiti ang ina ng bata.

"Ok,pero dito ka na mag hapunan, u-uwi kasi ngayon ang kapatid ko." Umiling si Ally. Nahihiya kasi siya. Mayaman ang mga ito ay hindi niya ata kayang makisalo sa mga ito.

"Nako! sa bahay na lang po, baka kasi dumating na ang Mommy ko."

"Ay, ganoon ba? Ok, but next time ha? Kakain ka dito."

"Masarap mag-luto si Mommy, Ate Ally! Next time ah? You'll eat with us." Napatawa siya dahil makulit talaga ang bata. Napaka bibo nito at napaka masayahin.

"I will little doll. Bye. Memorize the Alphabet ah?" Sumagot naman ang bata. Nag paalam ulit siya saka umalis na sa bahay na iyon. Para siyang walang buhay na naglalakad papunta sa waiting shed ng bus at pati na rin ang pag sakay ng bus, bugbog na bugbog ang katawan niya sa araw na iyon. Antok na antok na rin siya dahil nga wala siyang maayos na pahinga.

"Mom?" Tawag niya sa Mommy niya ng maka rating siya sa bahay nila. Pag pasok niya sa loob ng bahay ay may mga baggages na naka kalat sa sofa. Nagtaka siya.

"Mommy?" Tawag niya ulit and this time ay bumaba na ang Mommy niya. Naka office suits ito.

"Naka uwi ka na pala, baby girl." Yumakap ang Mommy niya sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"What's this,Mom? Are you going somewhere?" Mahinahon na tanong ni Ally sa ina.

"Yes, may Team Building kami sa Australia, 1 month kami roon."Tumango si Ally, nag usap sila saglit ng ina. Saglit lang dahil nagmamadali ito dahil ma-l-late na ito. After nilang mag-usap ay nagpaalam na ang ina niya.

"I will miss you,Mom!" Sabi niya at kumaway siya sa papalayong taxi na sinakyan ng Mommy niya. It's her first time na wala ang Mommy niya ng isang buwan. Noon kasi nawawala lang ito ng isa o dalawang linggo ngayon isang buwan na. Pero sanay naman siya na wala ito at naiintindihan din niya iyon dahil para lang naman ito sa kinabukasan niya.

Umakyat na lang siya sa kuwarto niya at nag bihis pambahay saka bumaba at kumain . Pagkatapos kumain ay nag encode siya ng project niya saka natulog na.

    MAGULO ang lobby pati na rin ang gym ng napadaan si Ally. Naguguluhan siya. Tapos ang mga lalaki naman ay di maipinta ang mga mukha.

Problema nila?

Pero kahit ganoon ang nangyayari ay hindi na lang niya binigyang pansin.

"Pres! Si Mayor po nasa loob ng office mo. Hinihintay ka."Biglang napatigil sa paglalakad si Ally dahil sa sinabi ng Secretary niyang si Penny.

"A–anong ginagawa niya doon? May k–kailangan ba siya?" Biglang kumabog ang dibdib ni Ally. Sobrang bilis ng pintig ng puso niya. Hindi pa niya kayang harapin ang mayor sa ngayon. Nahihiya pa rin siya at hindi pa rin siya maka get over sa nangyari noong nagdaang araw.

"P–penny naman, sana s–sinabi mo na lang na wala ako. O 'di kaya ay sinabi mo'ng may inasikaso ako." Nagtataka ang mukha ng secretary. She sighed. She has no choice, kailangan niyang harapin ang lalaking iyon.

"Samahan mo ako. Nasa loob ba sila Catherine at Megan?" Tumango naman ang secretary. Napailing siya. Those two are the auditor and the treasurer. Ang dalawang ito ay malandi but not literally. Basta may nakita silang gwapo gagawin nila ang lahat para ma pansin sila nito.

So? You're afraid? and you admit na gwapo talaga ang Mayor?

Mabilis na umiling si Ally sa iniisip niya.

"Eh Mayor, ano po ba ang sadya niyo dito?" Pag-pasok niya pa lang ay dinig na dinig na agad niya ang malanding boses ni Megan.

"Ms. President!" Lumapit ang ibang officers sa kanya at kinuha ang ibang mga gamit na bitbit niya.

"Pres. Natapos ko na po yung pinagagawa niyo and also, I have the designs na para sa ball." Tumango siya kay Andrei na siyang vice president niya.

"Good, and by the way we'll have a meeting later after all our classes. You may go to your respective classroom now guys." Sumunod naman ang sila maliban nina Megan at Catherine na busy pa rin sa pakikipag-usap sa Mayor.

"Uhm, Ally.."Napatigil siya sa pagligpit ng gamit niya sa table niya ng magsalita ang Mayor. Tumayo ito at lumapit sa kanya.

"Can we talk? I have something to tell you." Nag aalangan na tumango si Ally sa Mayor.

"Can we leave us alone guys?" Sabi naman ng Mayor sa dalawang babae na sila  Megan at Catherine. Naka simangot na lumabas naman ang dalawa.

At ngayon sila ng dalawa sa loob. Just Her and Him inside the student council office.

"Ally.." His husky voice make her feel uncomfortable. Naiilang siya bigla.

"It's been 3 days. God! I missed you." Nanglaki ang mga mata ni Ally ng yakapin siya nito and buried his head into her neck at inamoy iyon. Nabigla si Ally, she don't know what to do.

"M–mayor, baka may maka kita.." Kinakabahan siya, malakas ang pintig ng puso niya. Hindi na niya alam ang gagawin.

"Don't worry, Nasa labas si Ken. Binabantayan niya tayo." Mas hinigpitan pa ng Mayor ang pagkayakap kay Ally. She don't know why she feel safe and secure into his arm. Ito ang unang lalaki na humalik sa kanya, yumakap at nagparamdam sa kanya ng feeling na tila sasabog ang puso niya.

"Mayor.." Napa singhap si Ally ng biglang pumasok ang isang kamay ng Mayor sa loob ng t-shirt niya, hina-haplos ang tiyan niya pataas.

"Wag po.." Sambit niya ng malapit na ang mga kamay nito sa dibdib niya. Kinabahan siya bigla. Ito na nga ba ang sinasabi niya eh! Pagsasamantalahan lang siya nito.

"Please. Not me. May pangarap pa po ako. 'Wag niyo akong itulad sa mga ibang babae na mabilis bumigay, iba ako. Ibang iba ako sa kanila. Leave me alone." Mabilis na hinablot ni Ally ang bag niya na nasa table niya at tumakbo papalabas ng office nila.

Na nginginig ang mga tuhod niya. Everything is not right.

~•~•~•

Please inform me if may typo or whatsoever😊 Vote and comment belated birthday gift niyo sa'kin😂

THE MAYOR'S LUSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon