Chapter 10 Si Adik

4.1K 108 52
                                    

Chapter 10 Si Adik

“So nung October 20, 1944, sinabi ni Douglas McArthur yung I SHALL RETURN and after non-” napahinto si DJ sa pagpapaliwanag nya nang mapansin niyang parang nananaginip ng gising si Julia habang nakatanaw sa kawalan at ngingiti ngiti na parang ginayuma.

“Nakikinig ka pa ba?” tanong niya pero hindi siya pinansin nito.

“…UY!” ginulat ni DJ si Julia sabay tapik sa balikat.

“AY! ADIK SAYO!” napasigaw sa gulat si Julia at nagmamadaling tinanggal ang headset nya na nakasabit sa leeg at natatakpan pala ng buhok niya. Kaya naman pala hindi nito marinig si DJ…nagssoundtrip nanaman.

“Ang usapan natin pag naperfect mo yung exam ipapakilala ko sayo ng personal yang type mo…pano mo makukuha yun kung di ka nagfofocus?” tanong ni DJ na parang naiilang pa sa sinabi niya.

“Nagfofocus nmn ako..nareview ko na nga yan kagabi eh hehe.” Sabay tawa ni Julia.

“Ha?! Ang daya mo! Nareview mo na pala pinahihirapan mo pa kong magpaliwanag dito! Kainis ka!” padabog na sinara ni DJ ang libro ng history ng Pilipinas sabay simangot. Natatawa lang si Julia sa kanya.

“May girlfriend na ba sya?” biglang tanong nito. Napatingin si DJ at nagulat na parang tanga..

“Ha?” nalilitong tanong niya.

“Siya… si adik.” Sagot naman ni Julia.

“Bakit adik?” tanong ulit ni DJ.

“EH di ko alam pangalan niya at ayokong alamin hanggang sa ipakilala mo nga sya sakin based sa deal natin.. since ang umpisa ng song niya is “adik sayo” edi adik na lang tatawag ko sa kanya..” tumaas taas pa ang dalwang kilay ni Julia.

Napatitig si DJ sa kanya…parang nafreeze….1…2…3….biglang tawa.

“Adik talaga tatawag mo? Gandang endearment ah! AdiK! Eh ikaw nga jan ang adik!” pigil na pigil na tawa ni DJ dahil nasa library sila at kailangan controlled ang lakas ng usapan.

“Inggit ka lang!” sabay belat ni Julia with matching irap.

“Osige sasabihin ko sayo yung pangalan niya….pero yung deal natin ah.”  Pinagbigyan naman ni DJ si Julia…kesa tawagin siyang adik di ba?

“Talaga? Sasabihin mo talaga?” Parang batang naeexcite na humarap si Julia sa kanya. Nawala ang kasungitan sa mukha.

“Ang pangalan nya ay…. John.” Sagot ni DJ na tatango tango pa.

“John…. Pangalan ng gwapo yun ah… ang ganda ng pangalan niya…hayz…” balik nanaman sa pangangarap si Julia habang si DJ napapatingin nanaman sa kakaibang ganda niya lalo na pag ganitong para syang maamong diwata na nangangarap.

Palihim na napapangiti si DJ habang kumukuha ng isa pang libro sa bag niya. Pakiramdam niya kasi sa kanya kinikilig si Julia kahit alam niyang hindi naman siya yung iniisip nito. Tatlong araw pa lang niya nakakasama pero unti-unti nan yang nagugustuhan si Julia… siguro dahil na din sa paiba ibang ugali nito na lalong nakakapagpainteres sa kanya..gusto niyang Makita kung sino talaga si Julia. Malaks ang paniniwala niya na sa likod ng stubborn personality nito, isang sweet at caring na tao si Julia….lumilitaw yun paminsan minsan sa mga simpleng kilos nito kahit pilit nyang baguhin ang approach nya sa tao.

“Sya nga pala Julia… Acquaintance party na next week after exam… my date ka na ba?” bigla nyang aalala nang may isang student na pumasok sa library na kasama sa nag-oorganize ng party.

Princess and I - JulNielWhere stories live. Discover now