Chapter 7 Julia the True Maldita

4.2K 93 19
                                    

Chapter 7 Julia the True Maldita

“Ano ba ginagawa natin dito?” nagtatakang tanong ni Zharm habang dahan dahang lumalapit sa faculty room si Julia na parang ayaw pang may makakita sa kanila.

“Uwi na tayo..” aya ni Zharm pero pinatahimik lang sya ni Julia. Kinakabahan sya sa kinikilos ni Julia at parang ayaw na nyang samahan ito. Kanina pa tapos ang mga klase at halos wala nang tao sa school. Maglapit na rin magdilim at sa panahon ngayon dapat umuwi na sila bago abutan ng dilim sa daan. Mejo delikado pa naman.

“Susunduin naman ako ipapahatid din kita.” Paalala naman ni Julia.

Luminga linga muna si Julia sa paligid bago nagmamadaling pumasok sa faculty room kasama si Zharm.

“Bakit ba ingat na ingat ka?” nagtataka pa rin si Zharm. Pagtingin nya sa paligid wala nang teachers sa faculty room.

“Ah…may meeting nga pala mga teachers…wala sila dito…” sabi ni Zharm sa pag-aakalang may kakausaping professor si Julia pero hindi pala.

Lumapit si Julia sa isa sa mga tables ang nagsimulang maghanap ng kung ano-ano sa mga papel na nakapatong sa mesa.

“Zharm, magbantay ka pag may paparating ha.” Utos ni Julia at ginawa naman ni Zharm habang pinagmamasdan kung ano ba talaga ang balak ni Julia.

Maya-maya pa, parang nanalo sa lotto na may kinuha si Julia na isang page ng papel at nakakalokong ngiti ang ginawa nito habang tatango tango pa.

“Ano yun?” Tanong ni Zharm pero hindi sinabi ni Julia. Nagmamadaling inilagay ni Julia ang papel sa bag nya at tumakbo papunta kay Zharm.

“Lagot yang puyat na kwago nay an bukas.” Pinipigil ni Julia na matawa habang hinahatak palabas si Zharm sa faculty room.

Naghintay sya ng sundo nya at inihatid si Zharm. Hindi rin mapakali si Zharm kahit na hindi nya alam kung ano yung kinuha ni Julia, nararamdaman nya na may mali sa gagawin nito. Ayaw naman nyang pagsabihan dahil baka magalit si Julia at sabihin na nakikialam sya.

~~~

“OMG..” papasok na sa pinto ng classroom sina Seth at Katsumi nang biglang mapahinti si Seth at parang nakakita ng multo.

Sinundan ni Katsumi ang tingin ni Seth at napakunot noo.

“May lagnat si DJ.” Parehas pa silang nagkatinginan at nasabi sa isat isa. Nakita kasi nila na seryosong nagbabasa ng libro si DJ at never pa nilang nakitang nagreview ito kahit na babagsak na sa subject.

“Picture-an ito…once in a lifetime mo lang makikita mga ganitong pagkakataon!” mabilis na kumuha si Katsumi ng camera na laging nasa loob ng bag nya at hindi nagpahalata na kukunan ng picture si Dj nang biglang napalingon naman sa kanila ito.

“Oi! Mga bwisit kayo walang ganyanan!” Napabalikwas sa pagkakaupo si DJ at nagtatakbo para agawin sa kabarkada ang camera.

“Tol, wag kang panira, minsan lang toh oh! Naghihimala ang langit!” tawa naman ni Seth habang papasok sila sa room kasama na si DJ na inaabot pa rin ang camera.

“Osige hindi na, ayan oh tinago ko na.” para maawat na si DJ, tinago na ni Katsumi ang camera.

“Anong natira mo ba at bigla mong naisipang magreview?” pilit pinipigil ni Katsumi ang tawa nya nang makitang nagsalubong na ang kilay ni DJ at napipikon na.

“Eh pano nga, pag bumagsak ako sa exam sigurado pagtatawanan nanaman ako ni Julia!” paliwanag ni DJ. Lalong nagkangitian sina Seth at Katsumi. For ths first itme, ngayon lang nag-alala si DJ sa mababa nyang grades! At dahil pa sa isang babae…na kahit si Kath hindi naman nya pinapansin pag natatawa sa grades nya.

Princess and I - JulNielحيث تعيش القصص. اكتشف الآن