PROLOGUE

49 4 0
                                    



PROLOGUE

RENEA'S POV

Bagong taon na pala pero, bakit pakiramdam ko'y kahapon lamang iyon. Sumasakit lamang ang ulo ko sa kakaisip. Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kuwartong ito. Maganda. Maraming mga antigong gamit na tiyak ko'y mamahalin. Ngunit ... ayoko rito.

"Inumin mo na itong gamot mo Renea."

Napatingin ako sa lalaking nagsalita. B-bakit siya nandito?

"Wag mo kong titigan ng ganyan Nea."

Nea? Si Hans lang ang tanging tumatawag noon sa akin. Ako'y napakunot ng noo.

"Bakit mo ko tinawag na Nea?"

"Dahil 'yon ang gusto ko."

Ako'y natigilan. Iyon din ang sinabing dahilan sa akin ni Hans noon. Papaanong... Matagal na SIYANG patay, mahigit dalawang taon na. Ano bang—

"Anong nasa isip mo?"

"Sino ka ba?" tanong ko sa kanya

Naguguluhan ako sa nangyayari ngayon sapagkat para bang siya si Hans...

Imbis na siya'y sumagot, tinitigan niya lamang ako, nakatitig siya direkta sa aking mga mata. Lungkot. Saya. Pagkasabik? Iyon ang nababasa ko sa kaniyang mga mata.

"Inuulit ko! SINO KA BA TALAGA?!"

Sinisigawan ko na siya pero bakit? Bakit siya nananatiling kalmado?

"Hulaan mo Nea. Sino nga ba ako? Sino ba ko sa buhay mo?" sabay ngiti niya ng tipid. Ngiti na nakapagbigay ng kilabot sa aking buong sistema.

"SINO BA AKO? SAY MY NAME BABY..."

<Fq

SIDEON BROTHERS: WHO'S THE KILLER?Onde as histórias ganham vida. Descobre agora