Chapter 6:annoying

Start from the beginning
                                    

"At sa tingin niyo ba dahil dito sa ginagawa niyong 'to eh mapapansin na kayo ni Yuan? " tanong nung babaeng nerd doon sa mga babae.

"Well of course! We're pretty and sexy kaya so mapapansin kami ng Papa Yuan namin, eh how about you girl? I mean... Ghad look at you! You're ugly,baduy and worst you're flat chested pa! at my gosh what's with that thick eyeglasses ba? Pinapanindigan mo talaga yang pagiging nerd mo eww! "

"Bakit naman ako mahihiya? Ano naman kung pangit ako ?ano naman kung baduy ako o kaya nerd? At ano naman kung flat chested ako? at least may laman 'tong utak ko at hindi ko na kelangan kumopya pa ng homework sa iba, hindi gaya niyo may utak nga napunta naman sa boobs!" sabi nung nerd. Natawa naman ako sa sinabi niya hahaha.. She has guts.

"You! How dare you! " nanggagalaiting sabi nung babaeng humihila sa kanya kanina.

Nakita kong sasabunutan na sana siya nung dalawang babae kaya umeksena na ko.

"Leave her alone" suway ko doon sa dalawang babae, lumingon naman sila sa'kin at Agad nagsalubong ang mga kilay nila. Kung makapagtaray naman 'tong mga 'to akala mo kung sinong mga dyosa mukhang espasol naman nga sa sobrang puti ng mukha dahil sa foundation.

"Oh? Sino ka naman? " mataray na tanong nung babaeng nanduro kanina.

"Ako? "Turo ko sa sarili ko. "Ako lang naman ang guardian angel ng mga taong naaapi" nakangiting sabi ko.

" hoy kung sino ka mang babae ka Wag kang pakialamera ah! kung ayaw mong masaktan at madamay! " asik naman saakin nung babaeng nanghigit kanina doon sa babae at dinuro-duro ako. Matapos niya kong duruin eh Tinalikuran niya ulit ako at saka hinarap ulit yung babaeng nerd, nakita kong hinila niya yung buhok nito. Nagpumiglas naman yung nerd.

Napailing ako, nakakatawa talaga 'tong mga 'to nagfifeeling high and mighty.

Naglakad ako papalapit sa kanila at walang anu-ano'y hinawakan ko yung wrist nung babaeng humihila doon sa buhok nung nerd at saka ito pinilipit. Napabitaw naman siya sa buhok nung nerd.

"O-ouch! What the hell are you doing?!y-you're hurting me, L-let go of My hand! " pagpupumiglas nito .

"Paano kung ayaw ko? " nakangiting tanong ko sa kanya sabay pinilipit pa lalo yung kamay niya. Nakita kong mangiyakngiyak na 'to sa sakit. Natawa ako sa itsura niya.

"S-stop! --- Awww! "Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya kasi everytime magsasalita siya eh mas lalo kong pinipilipit yung kamay niya.

"Ihihinto ko 'to kapag ipinangako niyong hinding-hindi niyo na siya guguluhin? " sabi ko habang nakangiti.

My Gangster GirlWhere stories live. Discover now